Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Hinihilot sa SC ang Marcos burial

NAKAPAGTATAKA kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdedesisyon ang Supreme Court sa paglilibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Dalawang beses nang naudlot ang pagtalakay sa petisyon na huwag payagan ang pagpapalibing kay Marcos sa LNMB nang iutos muli ng Korte Suprema ang Status Quo Ante Order, at palawigin pa ang pagtalakay nito na itinakda sa Nobyembre 8.

Marami tuloy ang nagdududa na malamang ay may ‘humihilot’ sa nasabing kaso para biguin ang pamilyang Marcos at mga tagasuporta nito na malibing ang labi ni Macoy sa LNMB. Kung hindi kasi makakuha ng walong boto ang mga tumututol, tiyak na tuloy na ang libing ni Macoy sa LNMB.

Isa sa masugid na kontra sa paglilibing kay Macoy sa LNMB ay itong si Associate Justice Benjamin Alfredo Caguioa na itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino bago pa tuluyang makaalis ng Malacañang.

Si Caguioa ang pumalit kay Leila de Lima sa Department of Justice at dating Chief  Presidential Legal Counsel sa official delegation sa Permanent Court of Arbitration sa Hague Netherland sa kaso ng Filipinas kontra China sa isyu ng West Philippine Sea. Talagang labs ni dating PNoy si Caguioa.

Ano ba ang nangyayari sa SC?  Bakit hanggang ngayon ay hindi makapagdesisyon sa simpleng kaso ng paglilibing kay Macoy? Buying time ba o buying judges? O baka naman, buying votes?

Ang ganitong mga haka-haka na hinihilot ang kaso ni Macoy ay hindi maaaring ipagwalang-bahala dahil sa malamang na matalo ang mga petitioner na kontra sa paglilibing kung isinagawa ang botohon nitong Oktubre 18.

Isa si Associate Justice  Diosdado Peralta sa pabor sa paglilibing at malamang ay meron pang pitong justices na kumatig na siyang magbibigay-daan sa pagkatalo ng mga makakaliwang petitioner na pinamumunuan ni dating Commission on Human Rights chair Etta Rosales.

Mababaw at lihis ang argumento ng mga tutol sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB, na kesyo siya ay diktador at maraming pinarusahan noong panahon ng martial law. Ang malinaw na argumento ay dating pangulo at sundalo si Macoy. Hindi ipinipilit ng mga tagasuporta ni Macoy na siya ay bayani kundi ang tanging hiling lamang nila ay mailibing si Macoy sa LNMB.

Hindi pa ba sapat ang halos dalawang mil-yong signature na nakalap para suportahan ang pagpapalibing kay Macoy? Ang taumbayan na mismo ang nagsasabi na panahon nang ilibing si Macoy sa LNMB na maaaring maging daan para maghilom ang mga sakit na idinulot nang nakaraan.

E, kaso nga, itong makakaliwang grupo na lamang ang makukulit kahit alam naman nilang walang saysay ang kanilang ipinaglalaban.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *