PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan kumasa sa mga pulis sa buy-bust operation dakong 7 pm kamakalawa ng gabi sa Sta. Maria, Bulacan.
Sa ulat mula kay Supt. Raniel M. Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang napatay na si Ramil Montaos y de Vera, 33, residente ng Brgy. Lalakhan, sa naturang bayan.
Napag-alaman, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya ngunit nang makatunog ang suspek ay nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
( MICKA BAUTISTA )