Saturday , November 23 2024

Pagkakaiba ng Gwapo sa Third Party, inilahad nina Direk Jun at Direk Perci

ROMANTIC comedy daw ang tema ng pelikula nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros, at Dennis Trillo kaya masaya at nakakikilig daw ang pelikula, sabi mismo nina Direk Perci Intalan at Jun Lana.

Tinanong namin kung napanood na nila ang The Third Party nina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo na parang pareho ng concept ng Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend dahil gay movie rin.

“Napanood namin, magkaibang-magkaiba ‘yun,” sabi kaagad ni direk Jun.

“’Yung sa kanila (The Third Party) kasi, mas serious at saka they really tackle the LGBT (Lesbian Gay Bisexual and Transgender), ‘yung struggle ng gay couple, kasi ‘yung sa ‘Gwapo’, we barely touch on that, rom-com talaga kami. At saka kay Anne naka-focus kaya roon nagkaiba. ‘Yung ‘Third Party’, sa kanilang tatlo, itong ‘Gwapo’, nasa point of view lang ni Anne,”katwiran nina direk Jun at Perci.

“Babaeng bakla lang si Anne rito na sawang-sawa na kasi lahat ng nagiging boyfriend niya, kloseta. Nagkataon lang na may mga gay characters pareho, tapos halos nagsabay pang i-showing so, akala ng mga tao pareho, pero magkaibang-magkaiba talaga,”dagdag paliwanag pa ni direk Jun.

“Pero originally, magkahiwalay kami ng playdate, sila (Star Cinema) ‘yung umurong, kami ‘yung October 19, tapos sila September yata dapat (palabas), but I think kaya umurong because of ‘Barcelona’ kasi still showing, tapos may lalabas pa rin sila ulit two weeks from now,” pahayag ni direk Perci.

“’Yun nga ang masaya kasi sa rami ng pelikulang ipinalalabas ngayon (maraming choices). Dati kasi nag-iiwasan kasi gustong magtulungan, eh, ngayon, halos wala ng playdate kaya walang choice kundi halos magsabay. It’s okay kasi ang daming ginagawang pelikula ngayon,” paliwanag naman ni direk Jun.

Naka-anim na pelikula na ang Idea First bilang producer, line producer at direktor ngayong 2016, ”I Love You To Death (Kiray Celis at Enchong Dee), Anino (LJ Reyes), I America  (Bela Padilla), Die Beautiful,  Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend, atAng Manananggal sa Unit23B,” kuwento ni direk Perci.

Commercial movies vs indie films

Tinanong ni Ateng Maricris kung ano ang nakaka-satisfy sa dalawang direktor, ang nakatatanggap sila ng kaliwa’t kanang awards na kasali sa film festival o ‘yung commercial movies?

“Pareho, magkaibang-magkaiba talaga, at saka nagbi-blend na, hindi mo na alam. At saka ang dami ng indies na nagmi-mainstream na rin, hopefully one day, sana wala ng division (indies and mainstream). Kung anong magandang kuwento, ‘yun ang panoorin. At saka sa indie nanggagaling ‘yung mga bagong kuwento, bagong talents, bagong direktor. Halos lahat ng batang editors na magagaling, halos lahat nasa indie,” katwiran ni direk Jun.

Aminado ang dalawang direktor na hindi lahat ng pelikulang ginawa nila ay kumita dahil sa kawalan na rin ng promo lalo na kung ayaw mag-promote ang artistang kasama sa pelikula.

Bakit nga ba maraming indie filmmakers na panay pa rin ang gawa ng pelikula maski hindi kumikita at may nagkuwento sa amin na pati ang nakuhang mana ay naubos na dahil ipinang-prodyus ng pelikulang flopsina naman. Dahil kasi passion nila ang magdirehe, eh, paano naman ang kinabukasan nila?

“Oo nga, passion kasi ‘yan.  Actually, maski direktor lang ako, ako ang nag-aabono, kaya sabi ko minsan, bakit ito lang kinita ko hindi naman ako ang producer,” kuwento ni direk Jun.

Sabi naman ni direk Perci, ”payo nga namin na huwag ubusin lahat, isang pelikula lang ‘yan, may susunod pa, passion project ‘yan ngayon. May mga kilala rin kaming nagsanla ng bahay at hindi mga batang filmmaker. At saka parang baby mo rin kapag ginawa mo ‘yung project, irrational.”

Dagdag ni direk Jun, ”Mas mahal ‘yung dati kasi film pa ang ginagamit, tapos magagandang ilaw, imagine mo ‘pag hindi mo type ‘yung kuha mo, uulitin mo, eh, film ‘yun at saka dapat walang tapon. Mas maraming rehearsal. At that time, patawid ako ng digital.”

Dream artist na gustong maidirehe

At dahil matagal na rin si direk Jun sa film industry ay wala na siyang dream artist na gustong makatrabaho dahil halos lahat ay naidirehe na niya kaya ang pinaka-pangarap niya ngayon ay si Meryl Streep.

Si direk Perci naman ay inaasam-asam niyang maidirehe si, ”fan kasi ako nina tita Gloria (Romero), tito Eddie (Garcia), gusto ko ‘yung the movie queens. Fan ako ng mga pelikula niya, at saka mga professional kasi sila, si tita Susan (Roces) na laging nauuna sa set. Si tito Eddie na walang kareklamo-reklamo sa set, sabi nga niya, ‘I am paid to wait.”

Naikuwento rin ni direk Jun na ilang oras daw naghintay si Eddie Garcia sa set ng Bwakaw noon dahil maaga ang call time nito.

“Eh, hinahabol kasi namin ang araw, nakatulog kaming lahat, dumating kami sa set past 3:00 a.m. na, si tito Eddie, nandoon, sabi niya, ‘akala ko na-pack up na’. Hindi siya nagagalit talaga, napaka-professional grabe,” kuwento ni direk Jun.

“Walang katulad nila (veteran actors) na may dalang sariling wardrobe, at may dala siyang sariling props, pari, military,   kung anong level ng military, nasa trunk lang niya ang mga gamit niya.  Siya pa nag-research kung anong dye ang ilalagay sa buhok niya para puting-puti.

“Eh ang mga artista ngayon, darating sa set, kulang-kulang ang gamit, tapos hindi pa mabubuhay kung walang mga kasama, tapos late na nga, nagmamadali pang umuwi ‘pag oras na, hindi man lang nag-aadjust, eh, late naman siya.

”Like iko-koltaym mo ng 7:00 p.m., tapos ang cut-off niya 12:00 midnight? Bakit? Sana mag-adjust kasi mahaba naman ang araw ng production staff, sana tulong-tulong.”

Mga artistang ayaw nang makatrabaho

May mga artista rin bang ayaw nang makatrabaho nina direk Jun at Perci at nagtawanan ang dalawa.

“Sabihin na lang nating, paghahandaan namin kapag nagkatrabaho ulit, pero hangga’t maaari, ayaw na namin. Sa lahat naman ng katrabaho mo, may kanya-kanya (topak) ‘yan, so alam mo na kaya kapag nagkasama ulit, paghahandaan mo na bilang producer, training ground mo. Kasi magku-krus naman ang landas ninyo ulit, halos sure na ‘yun,” kuwento pa ni direk Perci.

Pero si direk Jun, ”ay ako ayoko ng mag-krus ang landas namin.”

Kaya nagkatawanan ang lahat.

Na-curious tuloy kami kung sinong artista ba itong ayaw ng maka-trabaho ni direk Jun at nabanggit na hindi kasi tumulong mag-promote ng pelikula niya kaya hindi kumita.

Diretsong tanong namin kina direk Perci at Jun kung sino ang mas istrikto sa kanila.

“Magkaiba, kasi ako more on sa backroom, I do the budget, sa galawan, sa ikot ng pondo. Si Jun sa operations and creative. So, pagdating sa clustering, sa pag-shoot, medyo nag-o-over lap kami, pero more on siya. Ako kasi sa pagplano ng sunod-sunod na araw, gaano karaming araw, locations. Tapos sa kanya, hindi makalulusot ‘yung reason na creative kasi alam niya ‘yung requirement at hindi requirement,” kuwento ni direk Perci.

Anyway, tinanong namin si direk Perci kung sino sa kanila ni direk Jun sina Max at Christian sa pelikulang The Third Party.

”Ha, ha, ha, ako si Christian,” sabi ni direk Perci. “Ako ‘yung more into details, nag-aayos lahat. Siya (Jun) si Max,” sabi pa.

 

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *