Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Santos, umamin na

TULUYAN na ngang nagpakatotoo sa kanyang damdamin si Ali (JC Santos) matapos siyang mabisto ng kanyang ama tungkol sa tunay niyang pagkatao sa seryeng Till I Met You.

Bumuhos ang matinding emosyon sa pag-amin ni Ali sa kanyang amang si Greggy (Robert Seña) nang aminin nito na siya ay bakla. Dahil naman sa galit at pagkadesmaya ay pinalayas ng huli ang anak at sinabihang hindi niya matatanggap.

Sa kabila nito, agad na sumaklolo ang mga kaibigan niyang sina Iris (Nadine Samonte) at Basti (James Reid) at sinamahan siyang harapin ang kanyang pinagdaraanan.

Samantala, inamin na rin ni Basti ang kanyang intensiyon na muling ligawan si Iris.

Habang mabigat ang problema ng kanilang kaibigan (Ali) ay maganda naman ang nagiging kapalaran ni Basti ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala ang pamilya ni Iris, pati na rin ang ina nitong si Cassandra (Carmina Villarroel).

Upang maipakita rin na malinis ang kanyang hangarin, inamin niya kay Lolo Soc (Noel Trinidad) na nais niyang muling ligawan si Iris at ibalik ang kanilang pag-iibigan.

Ano nga ba ang gagawin ni Ali upang matanggap siya ng kanyang ama? Tuloy-tuloy naman kayang umayon ang kapalaran kina Iris at Basti?

Kaya tutukan ang Till I Met You pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyanosa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …