SA kampanyang inilunsad ng command ng Philippine National Police laban sa krimen at sa illegal na droga, tumahimik ang mga lugar sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Quezon province,
Nagpapatunay na epektibo ang formula na ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte at PNP chief Director General Ronald “Bato’ Dela Rosa kontra droga.
Sa pagkakaalam ko, tumanggap na ng ilang parangal ang official at PNCO mula sa CALABARZON sa unang araw ng pagbisita ni PNP chief general Ronald “Bato” dela Rosa sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna.
Sa OPLAN TONGHANG ng PNP mahigit isang libo ang napatay, kabilang ang mga pasaway na drug addict at mga pinaghihinalaang drug dealer.
Nakabuo nang malaking antas sa nakaraang SWS survey ang pangulong Duterte dahil sa kampanya niya laban sa droga.
Bumagsak na rin sa kamay ng PNP ang mag-amang mayor ng Albuera, Leyte na si Rolando Espinosa at anak na si Kerwin Espinosa na sinasabing drug lord sa area ng Vizayas.
* * *
MAY MGA LATAK PANG NATITIRA SA BILIBID
DAPAT alamin ng mga official sa Department of Justice ang mga hokus pokus na nagaganap sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Una ang racket sa daily rancho o pagkain ng mga preso. Tinatapyasan ng ilang tagasalok sa commissary o ng tagaluto ang almusal, tanghalian at hapunan.
Matagal na itong nangyayari sa maximum security compound at sa medium security compound sa pambansang piitan sa Muntinlupa City. Milyones na ang kanilang nadudukot sa convicted inmates.
For your eyes only DOJ Seretary Aguirre.
* * *
MALAPIT NA ANG NOV. 1
SA darating na Martes ay muli nating gugunitain ang mga namayapa natin sa buhay.
Magtutungo tayo sa mga sementeryo, mag-aalay ng dasal at mga bulaklak sa kanilang puntod.
Naging kaugalian ng mga Filipino ang ganitong tradisyon kapag dumarating ang November I.
Ang Inay ko na si Maximina ROÑO Alcala ay may dalawang dekada nang nakalibing sa San Pablo City Public Cemetery since 1990. Namayapa si Inay na mapayapa,
We love you Inay!!!
E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.
CRIMEBUSTER – Mario Alcala