PLANO ng Kamara na maglabas ng reward money upang agad maaresto ang nagtatago na dating driver ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Ayon ito kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali at sinabing kanya itong idudulog kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ngunit hindi sinabi ni Umali kung magkano ang itatakda nilang halaga bilang reward sa pagdakip kay Dayan.
Aniya, mabuting dagdagan ang ibibigay ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na P100,000 sa sino mang makapagtuturo ng kinaroroonan ni Dayan.