Saturday , November 23 2024

Arnel, nae-excite at naiilang sa mga batang performer

NANANATILING bokalista pa rin si Arnel Pineda  ng bandang Journey, sikat na banda sa Amerika at siyam na taon na siyang miyembro ng grupo at umaabot sa mahigit 50 shows ang nagagawa nila sa buong 6 months kaya pala sabi ng singer na half of the year ay nasa ibang bansa siya.

Aminado rin si Arnel na sobrang bilib siya ngayon sa mga batang singers tulad nina Michael Pangilinan, Morissette Amon, at 4th Impact na makakasama niya sa upcoming show nilang Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers na gaganapin sa The Theater, Solaire sa Oktubre 28.

Pero sabi ng 4th Impact, kabado sila kasi nga makakasama nila sa show ang isang Arnel Pineda na kilalang international artist.

Binali ni Arnel ang sinabi ng grupo, ”hindi n’yo kailangan (kabahan) you have to be just yourself, kasi mayroon kayong identity at nakita naman iyon sa pag-perform n’yo kanina, ‘di ba  standing ovation kayo so that’s tells a lot of what you have.”

Sa tanong kung may challenge sa parte ni Arnel kapag ang mga ka-trabaho niya ay younger singers ngayon kompara sa mga kaedaran niya, ”Nae-excite ako, pero in time, naiilang ng kaunti kasi parang pabata ng pabata ang mga nakakasama ko na rating mga naka-diaper (noon).

“Coming from where I came from, siyempre I would expect na ang makakasama ko ‘yung mga inugat na rin, mga naglalagay ng luya sa talampakan para hindi lamigin.

“But at the same time, I’m very happy and grateful na nakakasama ko yung mga katulad nila (young singers) na marami akong natututuhan kasi knowledge sa music at walang katapusan ‘yan, it’s very infinite so ‘yung bang natututuhan ko sa league ko, madaragdagan thru them kasi maraming maririnig sa kanila na, puwede palang gawin ‘yun (binabale ang kanta), so it’s very educational and at the same time very humbling,” kuwento ni Arnel.

At aminado rin ang world-class singer na sa tuwing may bago siyang kasama sa show ay talagang nag-aaral siya at ini-improve niya ang performance.

“Performance, singing wise.  Everyday hindi ako nakukuntento lang kung ano ‘yung kaya ko, kung ano ‘yung na-achieve ko as a singer. I always make to improve myself, ‘yan ang nangyayari sa buhay ko kasi there’s so much to learn when it comes to music,” ani Arnel.

At ang pangarap na international singer na gustong makasama ni Arnel sa isang show ay walang iba kundi si, ”Bruno Mars kasi Pinoy din siya, somehow I would feel so honored and proud na makasama siya at least for one song.”

Dating purdoy si Arnel at aminadong maraming hirap ang dinanas bago niya narating kung nasaan man siya ngayon kaya tinanong siya kung paano naman niya nai-ishare ang blessings sa mga kapuspalad o giving back, ‘ika nga.

“Thru my foundation po, APFI (Arnel Pineda Foundation, Inc), so I have streetkids, ‘yun po ang kine-cater ng foundation namin. Lumalapit po kami sa mga batang kalye, displaced, mga abuse na tumitira na sa kalye at ayaw mag-aral, so kino-convince po namin sila na ang way out para sa kahirapan ay ang education kaya mayroon kaming moving school o van.

“We started po five years ago, but before that, we started in America ng 2009, isinara namin iyon at binuksan ko ulit dito sa Philippines. Marami kaming scholars na iba-iba pero ako, concentrated ako sa Quezon City kasi sa time ko, hindi ko ma-manage kasi half of the year nasa America ako (para sa Journey shows), tapos half of the year nandito ako, tapos may mga gig din ako rito, plus time pa with my family.

“Pero I see to it na may medical mission ako, nagpapakain ako ng mga bata, ‘yan ang way of giving back, instead of entering to politics,” pagkukuwento ni Arnel.

Tulad din ng Lucky 7 Koi Productions na kaya sila magpo-produce ng maraming shows ay para makatulong din sa mga nangangailangan.

Pahayag nga ni Attorney Carmelita Lozada, ”we plan to have a show three to four shows a year para masuportahan ang beneficiaries, like after this show, we’re going to roll up again to help the other set of beneficiaries.”

Kaya pakiusap ng Lucky 7 Koi Productions na tulungang i-promote itong una nilang project na Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers na mangyayari sa October 28 sa The Theatre at Solaire.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *