Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, click din magpatawa; The Third Party, pinakadisenteng gay movie

SA presscon ng The Third Party ay inamin ni Angel Locsin na first time niyang gumawa ng romantic-comedy film at alanganin siya rito dahil drama ang forte niya.

Susme, eh, ang galing-galing kaya niyang magpatawa sa The Third Party.  Kung tutuusin nga, siya ‘yung sa nakatatawa sa kanilang tatlo nina Sam Milby at Zanjoe Marudo na parehong seryoso ang karakter bilang magdyowa.

Kumbaga kay Angel itinoka ni direk Jason Paul Lacsamana ang mga nakatatawang linya sa pelikula kasama nina Matet de Leon at Beauty Gonzales.

Ang ganda ng The Third Party dahil napakaayos ng development ng bawat karakter na may kanya-kanyang back story at highlights.

Pati supporting characters tulad nina Matet, Al Tantay, at Carla Martinez bilang kapatid at magulang ni Max (Sam), Cherie Pie Picache at Alma  Moreno na nanay at titang mabait naman ni Andi (Angel), Beauty  (kaibigan ni Andi) ay ipinakitang may kanya-kanyang kuwento rin.

Disente, maayos, at walang halay factor sa pagkakagawa ng eksenang naglalambingan sina Sam at Zanjoe sa kama na mauuwi sa love making, ‘kaso naputol kasi dumating si Angel para sabihing may dumating na package ang dalawa at tawa ng tawa ang mga manonood sa reaksiyon ng aktres dahil sa nakita niya.

Ang gandang panoorin nina Sam at Zanjoe. Puwede naman palang ganoon lang ang atake sa dalawang lalaki na parehong nasa kama at hindi ka makakaramdam ng kabastusan o kahalayan.

Kadalasan kasi sa gay movies ay may maririnig ka sa audience na magsasabi ng, ‘kadiri!’ Pero sa The Third Party, walang-wala kang mararamdamang ganito dahil mai-in love ka pa nga sa karakter nina Max at Christian.

Base sa mga napanood naming local movies ay ito ang pinakamaganda at pinakadisenteng gay movie na napanood namin.

Grabe ang hiyawan sa buong Cinema 2 ng Trinoma sa eksenang nagpaalam na si Zanjoe para pumunta ng Cebu at sabay halik sa lips ni Sam na ikinaloka rin ni Angel, ang cute talaga nilang tatlo.

Maganda rin ang kuha sa kanilang tatlo na magkakatabi sa kama at si Angel ang nasa gitna.

Kadalasang ikinabuburyong namin sa ibang pelikula ay ang mahahabang linya o drama scenes pero sa The Third Party ay hindi namin naramdaman dahil ‘sakto lang ang mga dialogue, very contemporary o ginagamit talaga sa kasalukuyan, at hindi nanggaling sa ilalim ng baul.

Panalo ang mga eksena ni Alma na sa malaking boobs ang taguan ng pera. Nakakatawa tuloy nanng humirit si Angel ng, “Baka, meron pa, Tita!’ sabay tingin sa boobs ulit. ‘Kaloka ang boobs, may partisipasyon sa pelikula, ha?

Totoo nga ang sinasabi ng mga nauna nang nakapanood ng The Third Party, matatawa, maiiyak, mai-in love, at mai-inspire ka na sana ay makahanap ka rin ng Max at Christian sa buhay mo.

Para sa amin, ito ang pinakamagandang acting ni Sam sa lahat ng pelikulang nagawa niya simula nang mag-umpisa siya sa showbiz. Kakaiba at challenging na gumanap siyang bading without hesitation. ‘Sakto, hindi OA, at relax lang siya sa buong pelikula.

Maganda ang dialogue ni Sam na minahal niya ang tao dahil sa magandang ugali at personalidad at hindi dahil sa gender.

Iba talaga ang husay ni Zanjoe dahil kaya niyang gampanan kahit na anong papel pa ang ibigay sa kanya.

Samantala, may mga napansin lang kami sa ilang eksena ni Angel na iba-iba ang hitsura may payat, may malaking tingnan sa screen, parang napasarap ang pagkain niya ng ice cream at isaw sa pelikula.

Kung minsan matured siya, kung minsan nene naman lalo na noong nasa may seawall sila ni Zanjoe.

Anyway, maraming blocked screenings ang fans ng tatlo na hindi namin nakuha ang lahat ng schedules.

Salamat sa Team Angels na nag-imbita sa amin sa Trinoma noong Miyerkoles, at siyempre sa magkapatid na Angel  at Ella Colmenares.

Binabati namin si Direk Jason Paul  na nasa audience pala at hindi nagparamdam pero nakita siya ng fans kaya napilitang magpakuha ng larawan kasama si Angel.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …