Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Ang Inquirer at si Sec. Andanar

KAMAKAILAN, hindi iilan ang nagulat nang magsimulang magsulat si Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar bilang kolumnista ng broadsheet na pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Sabi nga, napakasuwerte talaga nitong si Andanar dahil bukod sa pagiging presidential spokesperson, siya rin ang namamahala ngayon sa PIA, PNA, PTV-4 at PBS-Radyo ng Bayan.  Talaga namang liglig at umaapaw ang biyaya ni Martin sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Kaya nga, marami ang nagtataka na sa kabila ng napakalawak na hawak na propaganda machinery ni Martin, nagawa pa ng pamunuan ng Inquirer na gawin siyang kolumnista.  Paano mapaninindigan ng Inquirer ang kanilang “Balanced News,  Fearless Views” kung mismong ang mouthpiece ng gobyerno ay “isinaksak ninyo sa inyong diyaryo!”

Ano ang mukhang ihaharap ng Malacañang beat reporter ng Inquirer kung ang kanyang itatanong at gagawing istorya ay sasabihin na rin ni Martin sa kanyang column? Hindi tama ito at lalong unfair at unethical dahil ang mismong propagandista ng administrasyong Digong ay nasa loob na rin ng bakod ng Inquirer.

At isa pa, marunong ba talagang magsulat itong si Martin?  Mismong dating editor ng Daily Tribune na kasama ko noon sa Journal Group of Companies ang nagsabi sa akin na hindi pumasa si Martin nang mag-aplay ito sa kanya at bigyan niya ng exam. Nagulat daw siya nang isumite ang ipinagawang balita kay Martin dahil naka “all-caps” ang buong teksto na parang nagsulat para sa telebisyon at radyo.

Ang ginawang pagkuha kay Martin bilang kolumnista ay hindi nangangahulugang gusto ng pamunuan ng Inquirer na maging balanse ang kanilang diyaryo. Maaari naman kasing kunin mismo ng kanilang reporter ang anumang pahayag ng Palasyo hinggil sa paglilinaw ng isang isyu.

Maaari ring gamitin ng Palasyo ang Letters to the Editor section o kaya ay maglabas ng press release at ibigay sa reporter o ipadala sa tanggapan ng Inquirer.

Hindi natin alam kung ano talaga ang tunay na motibo ng Inquirer kung bakit nila kinuhang kolumnista si Martin.  Ang tanging alam ko sa ngayon ay sagad-sagaring  anti-Duterte ang Inquirer.

Isa kaya itong pamamaraan para hindi balikan ang Inquirer ni Digong?

Naku ha, baka bumalikwas sa kanyang hukay si Letty Magsanoc sa ginagawa ninyo!

(Pahabol: Isang taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ko kay Jerry Yap sa pagkakataong ibinigay sa akin na makapagsulat sa pahayagang Hataw.  Pasasalamat din kay Gloria Galuno na nagtiwala at muling binuhay ang aking panulat!)  

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *