Samantala, kumusta naman ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez-Padilla na nasa Amerika at malapit nang manganak sa panganay nilang siMaria Isabella?
“Walang problema sa komunikasyon, umaga palang magkausap na kami sa pamamagitan ng face time, ‘pag matutulog kami, magkatabi rin kami dahil nandoon lang ‘yung (monitor), wala kaming problema, ‘yun lang physical na nayayakap mo, ako ‘yung nakakapag-injection sa kanya, kasi ngayon siya na ang nag-i-injection sa sarili niya.
“Apat ‘yung injection niya, dalawang insulin at dalawang nefarin. Dapat limang injection ‘yun, ako ‘yung isa, eh, hindi naman puwede kasi nandito ako,” pagbibiro ng aktor.
Sa Nobyembre 21 na isisilang ni Mariel si Isabella at umaasa ang aktor na mabibigyan siya ng US Visa para damayan ang asawa sa panganganak nito.
“HIndi naman ako nawawalan ng pag-asang hindi mabigyan ng US Visa kasi hindi naman ako problema ng United States of Amerika at sa aking palagay ay mabuting tao naman ako at hindi naman ako gagawa ng gulo roon.
“Kailangan ko lang suportahan ‘yung asawa ko roon.
“Nag-file kami ng Parole visa, hindi nga visa ang tawag doon, humanitarian parole yata tawag doon kasi, ‘yun daw ang pinakamabilis. Hindi ko naman nakikitang may problema, siguro maghihintay lang tayo ng proseso,”kuwento ng aktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan