Saturday , November 23 2024

The best ang ospital ng Batangas City

THE best pala sa area ng CALABARZON ang regional hospital na matatagpuan sa Batangas City.

Pinatunayan ito ng isang pasyente na kamakailan ay na confine sa nasabing hospital.

Ayon sa pasyente na taga-Biñan City, Laguna na-confine siya sa nasabing ospital nang apat na araw dahil kailangan niyang magpasalin ng karagdagang dugo sa katawan.

Ayon sa kanya “very accommodating ang mga doctor at staff ng hospital.”

Nakalabas siya ng hospital nang wala siyang binayarang kahit singko, libre ang laboratory, CT Scan, 2D Eco at doctor.

Maayos ang facility ng hospital.

VIP SI JB

BIGTIME ang convicted inmates na sina Jaybee Sebastian at Vicente Sy.

Akalain ba ninyong sa mamahaling hospital sa Muntinlupa Medical Center sila naka-confine at nagpapagamot.

Ang dalawang preso ay sa suite na kuwarto pa naka-confine sa nasabing hospital, isang hospital na ubod nang mahal.

Saan kaya sila kumukuha ng pambayad para sa pagpapagamot nila sa mamahaling hospital?

Natatandaan na tumestigo at humarap sa pagdinig na ginagawa sa senado tungkol sa drug trade sa New Bilibid Prison si Jaybee.

Ilang araw ang lumipas nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng kanilang kulungan sa Building 14 ng NBP. Sa nangyaring kaguluhan nasaksak si Jaybee, Vicente Sy at napatay naman ang isang inmate na si Tony Co.

Anyway kaligtasan at karapatan nila kung saan nila gustong magpagamot.

CORRUPT SA CUSTOMS UMIIYAK NA

ISA sa bigtime customs broker ang nakausap ko.

Ipinaliwanag niya na simula nang si Army Captain Nicanor Faeldon ang maitalagang Bureau of Customs commissioner ni Presidente Rodrigo Duterte ay nag-iyakan ang mga corrupt at mangongotong sa nasabing ahensiya.

Nawala na ang araw ng Biyernes na tinaguriang ‘TARA SYSTEM’ na noon ay matagal nang nagpapahirap sa importers at brokers.

Meaning, epektibo sa paglaban sa corruption ang administrasyong Duterte.

PERGALAN SA RIZAL

MATAPOS magkaroon ng gulo sa peryahang pinamamahalaan ni Allan sa Angono Rizal ay muli pala itong pinabuksan.

Ang peryahan ni Allan sa bayan ng Angono ay tatagal pa nang ilang buwan. Mga sugal na color games ang kanilang mga raket.

Hindi lang pala si Allan ang nagpapasugal ng color games sa lalawigan ng Rizal.

Maging ang kaibigan niyang si Lolong ay open na nakapaglagay ng peryahan sa bagong palengke ng Binangonan, Rizal.

E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *