Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, malabo pa sa My Love from The Star

SOBRANG overwhelmed daw si Mark Neumann nang mabasa niya ang mga link sa kanya sa Twitter na isa siya sa pinagpipilian bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa remake ng Koreanovelang My Love From The Star na mapapanood sa GMA 7 sa 2017.

Sabi ni Mark, “ang daming nagta-tag po na write-ups, actually hindi po namin alam ng manager (Gio Medina) ko, wala po akong kinalaman doon, basta in-open ko lang ‘yung twitter ko, tapos nakita ko nga ‘yung na-link sa akin.”

Bakit, hindi ba posibleng i-consider siya? “I’m still with TV5 po and I’m still their contract artist.”

Dagdag naman ng manager ni Mark na si Gio, “nandoon pa kami sa respeto, kasi siyempre kung saan tayo nagsimula, tapusin natin kasi hindi naman magiging Mark Neumann ‘yan without TV5

“Well, marami naman tayong kaibigan in both networks, madali naman kasi ‘yan kapag magaling ang artista, kukunin at kukunin ng sinumang network. Pagkaalam natin wala, eh, ‘di wala.”

At kaya raw siguro nabanggit ang pangalan ng aktor ay dahil nag-guest siya sa weekly drama show ng GMA7 na Karelasyon.

“Kaya siguro natsismis because nag-guest ako sa GMA. I’m in a different network, they still think of me, parang proud feeling kasi. More of thinking about me,” saad pa ni Mark.

As of now ay may ginagawang Sine Squad series si Mark sa TV5 at may mga inilalatag pang projects niya.

Bukod dito ay nakagawa na rin ng pelikula ang aktor, “‘yung movie po na ‘Kamandag ng Droga’ with Direk Carlo J, Caparas, kasama ko po si Ms Lorna Tolentino, si sir Boyet (de Leon), no idea po kung kailan ito ipalalabas.

“It’s all about drug in relation with what President Duterte is doing, change is coming nga, it’s an advocacy movie.”

At dahil kalat na maraming taga-showbiz na sangkot sa droga ay pabor ba si Mark na magpa-drug test?

“Anytime po, right now?” mabilis na sabi nito.

Suportado raw ni Mark ang administrasyong Duterte sa pagsugpo ng droga sa bansa, “opo kasi however, we pointed out or look at it, whatever we analyze it, drug is still bad in anyway.”

Eh, ‘yung isapubliko ang mga pangalan ng artista na sangkot sa droga, suportado rin ba ni Mark?

“Well, that naman, it is hard if someone will be called out for their name and for example they been tested and positive, it’s a bit hard you know, people still wants to seek justice and clarity, you know what I mean,” pahayag ng binata.

Maraming nakapansin na mas guwapo ngayon ni Mark, maayos ang katawan at buhok at dahil disiplinado kasi ang manager niyang si Gio na may-ari ng lahat ng Artista Salon na kinuhang endorser ng Selective Professional products ng may-aring si Sharon Sy.

Kuwento ng manager ni Mark, “ingat ako pagdating sa mga ginagamit kong product sa salon kasi ayaw ko ng makakasama sa health ng isang tao, that’s why I use organic products natural lahat lang itong Selective Professional kasi walang formalin. That’s why I’m very thankful kay Sharon Sy for getting tito Gio as their endorser kasi nasubukan ko rin ang it’s really healthy sa katawan natin.

“Kaya hindi rin po ako nagpupunta sa ibang salon kasi organic lahat ang product ng tito ko sa salon niya and for 12 years, we never endorse products except for Selective Professional, eco-friendly pa.”

Pawang organic daw kasi ang produkto ng Selective Professionals hindi katulad ng ibang ginagamit ng mga salon na may formalin kaya nakararamdam minsan ng pagbabago pagkatapos magpa-kulay o magpa-ayos ng buhok.

Kaya Ateng Maricris, pag nagpa-salon ka, ask mo kung Selective Professional products gamit nila kasi organic yun.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …