Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

It was my fault… I was stupid — Kris (Babalik pa ng Kapamilya Network)

INAMIN ni Kris Aquino na siya ang may kasalanan kung bakit siya umalis sa ABS-CBN.

Kuwento ni Kris, “It was my fault. I could still be there now. I was stupid but none of you knew that it was the time of the Abu Sayyaf threat. There were also health issues. Siguro that time, akala ko pagbalik ko may space pa. I overestimated my worth.”

Tanda namin na noong nagte-taping siya ng last few episodes ng Kris TV bago siya lumipad patungong Hawaii, USA ay nabanggit niya na sobrang stress siya kaya tumataas ang BP niya dahil nga sa banta sa buhay nilang mag-iina.

At habang nasa Tagaytay City ang buong team ng Kris TV ay hindi lang Marshalls (ABS-CBN security) at PSG (Presidential Security Guards) ang bantay ni Kris kundi humingi rin siya ng tulong sa SWAT na nakapalibot sa buong venue.

Parang na-imagine namin na tense lahat ang mga taong nasa taping kasi nga naman ang daming bodyguards na naka full gear na parang may giyera.

At sa nasabing event ay inamin ni Kris na sobrang nami-miss na niya ang Kapamilya Network.

“I miss them. I miss the work. I miss what I knew. I miss the daily conversations. I miss the 12 midnight text telling me na ito ’yung nabago sa schedule. I miss my cameramen. We were like a family. This is also like an annulment,” pag-amin ni Kris.

Babalik pa ng Kapamilya Network

Posible pa bang bumalik si Kris sa ABS-CBN?

“If it’s God’s will, it might happen, and I would be the happiest person. But if it’s also God’s will that GMA will welcome me, it’d be great. If CNN, sasabihin nila na part of the package is I get to meet (American chef and TV host) Anthony Bourdain, I’m very excited right now,” diretso nitong sagot.

Walang kontrata si Kris sa anumang TV network at kay Mr. Tony Tuviera ng APT Entertainment lang siya nakipag-usap bilang lead manager niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …