Monday , December 23 2024

Ang ma-nominate kaming 3 nang sabay-sabay ay katumbas ng isang tropeong pagkapanalo — Sylvia

POST ni Sylvia Sanchez sa kanyang Facebook account noong Linggo ng hapon, “Ang ma-nominate ako ay isa ng malaking karangalan as Best Supporting Actress (‘Ningning’), pero ang ma-nominate ako na kasabay pa ang mga anak ko na sina Arjo as Best Supporting Actor (‘FPJAng Probinsyano’) at Ria Atayde as New Female Actress (‘Maalala Mo Kaya’) ay katumbas ng isang tropeong pagkapanalo na maraming, maraming salamat PMPC sa tiwala!! Mabuhay kayo!!”

Hindi akalain ni Sylvia na mapapasama siya sa mga nominado at higit sa lahat, nagulat siya nang malaman niyang kasama rin sina Ria at Arjo sa nominado sa gaganaping 30th PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa Novotel, Araneta Center, Cubao sa Oktubre 23, 2016.

Walang masabi ang aktres kundi salamat sa mga nagtitiwala at tinanong namin kung plinano ba niyang pag-artistahin ang mga anak.

“Ay hindi! Kung pinangarap ko silang maging artista, eh, ‘di sana mga bata palang hinulma ko na silang artista, hindi ko sila pinakain nang husto, ginutom ko sila para hindi sila naglakihan ng husto.

“Ilang taon ding nagi-gym sina Ria at Arjo, hanggang ngayon tuloy-tuloy pa rin ang workout nila para pumayat. Kaya hindi ko sila inambisyong mag-artista noon.

“Kasi nga, ayokong maranasan nila ang mga hirap na naranasan ko bago ako napasok ng showbiz, ang dami kong pinagdaanan. Kaya ayokong mangyari sa kanila ‘yun.

“At saka ang daddy (Art Atayde) nila, negosyo ang pangarap para sa kanila, tulungan nila ang daddy nila.

“Eh, ngayong malalaki na at si Ria graduate na, si Arjo humintong mag-aral kasi mas gustong mag-artista, hindi ko na sila maawat, kaya suportahan ko na lang sila.

“Mahirap kasi kung pipigilan ko sila, baka iba pa ang gawin, kaya sige na, sama-sama na kami rito sa showbiz mag-iina.

“Basta ang bilin ko lang talaga sa kanila, huwag na huwag silang gagawa ng mga bagay na ikasisira nila at dapat ma-respeto sila sa lahat ng tao, hindi lang sa mga kasamahan nila sa work, sa lahat in general.

“So far, wala naman akong naririnig na hindi maganda tungkol sa mga anak ko, kaya nakaka-proud din bilang nanay nila,” mahabang pahayag ni Ibyang.

Laging sinasabi ng aktres na gusto niyang makasama sa isang project ang dalawang anak.

“Gusto ko sana kaming tatlo, ang gusto ko family pa rin kami. Lalabas na katulong nila ako na hindi nila alam na nanay nila ako kaya nilalait nila ako, ha, ha, ha, mumurahin nila ako, aapihin nila ako, ha, ha, ha,” tumatawang sabi ni Ibyang.

Samantala, kuwento ni Mama Gloria ng The Greatest Love na doble-dobleng respeto raw ang nararanasan niya ngayon kapag nasa labas siya dahil sa role niyang may Alzheimer disease na nalaman na kahapon, Lunes sa programa.

“Rati kasi noong sa ‘Be Careful with my Heart’, tawag sa akin ng lahat, Aling Teresita, tapos magtatanong tungkol sa show. Noong nasa ‘Ningning’, mamay Pacing naman ang tawag tapos tinatanong nila sa akin si Rommel (Padilla), kasi ‘di ba ka-loveteam ko siya roon.

“Tapos dito sa ‘The Greatest Love’, Nanay Gloria ang tawag din at sinasabi nila na, ‘alam mo, pinanonood ka namin ng nanay ko, kasi gustong-gusto nila ‘yung show mo, kasi realidad, posibleng mangyari sa aming magulang ‘yun.’ Mga ganoong kuwento nila.

“Nagpapasalamat sila kasi at least nalalaman daw nila ‘yung signs o sintomas ng pagkakaroon ng Alzheimer disease. Kasi ‘di ba sa story ng TGL, unti-unti, ipinakikita paano nagsimula at ano ang pagdaraanang hirap?

“Siguro nakare-relate ‘yung iba at nalalaman na nila kung paano ang gagawin para magamot o hindi lumala o anuman.

“Nagpapasalamat nga rin sa ABS-CBN ang mga nakakausap kong mga senior citizen dahil nakakapanood sila ng ganitong kuwento.

“nakatatawa nga kasi nagugulat sila sa hitsura ko, sabi nila, ang bata ko raw sa personal, sabi ko naman, kasi pinatatanda ako sa make-up ko sa show. ‘Yun ang comment lahat, ang bata ko raw.”

Paano kung magkaroon ng Alzheimer disease sa totoong buhay si Sylvia Sanchez?

“Naku,  ‘wag naman sanang mangyari, hindi ko kakayanin na makalimutan ko ang pamilya ko, ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko kaya, napakasakit niyon at para sa pamilya ko rin, masakit sa kanila, sinong mag-aalaga sa akin, alam ko nandiyan din sila (family) para sa akin, pero mahirap, mahirap, hindi ko kaya. Knock on wood. Magkasakit na lang ako ng iba, ‘wag lang Alzheimer,” say ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *