Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria, naghihiyaw nang malamang nominado sa Star Awards

NANG i-text namin kay Ria Atayde na nominado siya sa pagka-Best New Female Personality sa nalalapit na 30thPMPC Star Awards for TV para sa pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya na may titulong Puno Ng Mangga na umere sa ABS-CBN noon ay talagang tumawag siya at naghihiyaw sa tuwa.

“Really, tita?  Am I?” pangungulit ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Ikinuwento rin naming nominado ang kuya Arjo at mama Ibyang para niya sa Best Supporting Actor at Best Supporting Actress.

“Wow! Nakaka-nerbiyos tita, kasi I’m sure magagaling ‘yung mga makakalaban ko. Pero I’m happy kasi ma-nominate ka lang is an award na for me, bonus na kapag nanalo ako, grabe tita, I’m so happy,” masayang tinig ng dalaga.

At si Ria naman ang nagbalita sa aming miyembro na siya ng Star Magic.

“Tita, I just want to let you know that I’m part na of Star Magic family, I’m so happy po talaga. Kaya I’m going to attend daw the ‘Star Magic Ball’ on the 22nd of this month and I don’t have a date, ha, ha, ha. Maybe Arjo will be my escort na lang,” kuwento ng baguhang aktres.

Si Rosenthal Tee na schoolmate niya sa Poveda noong high school daw ang gagawa ng gown niya.

“She was a senior when I was a freshman in Poveda. Tapos nag-aral siya sa Ateneo. Then took up masters in fashion in Istituto Marangoni in London.

“Also have lots of certificates from other schools in London: London College of Fashion and Central St. Martins College of Art and Design. She did New York Fashion Week last year and just last month,” pagkukuwento pa ni Ria.

Kung sa New York, USA based si Rosenthal dahil nga napasama siya sa New York Fashion Week, ibig sabihin doon pa manggagaling ang gown niyang isusuot sa Star Awards at Star Magic Ball sa Oktubre 22 at 23?  Paano kung hindi pala fit sa dalaga.

“No eh (based in NYC). Parang she was invited?” sabi sa amin.

Kung sakaling hindi raw fit kay Ria ang gawa ng kaibigan ay sa family friend nilang si Frankie de Leon daw siya lalapit na siyang gumawa rin ng gown niya noong debut niya na Breakfast at Tiffany’s ang motif.

As of now ay waiting si Ria kung ano ang susunod niyang teleserye pagkatapos ng Ningning bilang Teacher Hope at sana magkaroon din daw siya ng pelikula.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …