TULOY-TULOY ang kampanya ni Pangulong Digong Duterte sa anti-drug campaign at nakikita natin na matagumpay ito.
‘Wag nang makialam ang United Nations at America, ang mahalaga ay maraming buhay ang naisasalba ng Pangulo.
Puro lang kayo tuligsa samantala wala naman kayong nagawa sa bansang ito. Huwag tayong ipokrito.
Si Duterte lang ang nakagagawa nito at kayo wala.
Puro lang kayo papogi pero si Pangulong Digong trabaho lang at walang personalan.
Mabuhay ka mahal na Pangulo!
You’re the best!
***
Wala ba kayong napapansin na isa sa trusted man ng Pangulo ay si cabinet official at exe-cutive assistant BONG GO na talagang napaka-down-to-earth at napakasipag. Mukhang ‘di na rin siya nakapagpapahinga, sabay yata sila ni Presidente na gumigising at natutulog.
Ibang klase rin siyang magtrabaho at lahat ng mga gusto ni Presidente Digong ay agad ni-yang tatapusin para sa bayan lalong-lalo sa mahihirap nating kababayan.
Ang gusto n’ya na lahat ng paperworks ay matapos agad at he will do his best para lalong magtagumpay si Pangulo.
Si Bong Go ang isa sa pinagkakatiwalaan ng Pangulo at anak na ang turing niya sa kanya.
Isa si Bong Go na talagang totoong nagsasakripisyo para kay Pangulo at hindi n’ya ina-abuso ito.
***
Isa rin magaling na Cabinet Secretary ni Pa-ngulong Duterte ay si Leoncio “Jun” Badilla Evasco.
Dati siyang Mayor siya ng bayan ng Maribojoc sa Bohol mula 2007 hanggang 2016. Siya ‘yung rebel priest na naging miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Nagtapos siya ng AB Philosophy at Theology sa Seminario Mayor de San Carlos sa Cebu City noong 1966 at 1970. Natapos niya ang kanyang masteral degree sa Ateneo de Davao University.
Siya rin ay nagsilbing pare sa Dauis, Baclayon at Catigbian sa Bohol.
Siya ay naging campaign manager ni Pangulong Duterte nang tumakbong mayor sa Davao noong 1988 at nagsilbing OIC ng city engineer’s office sa Davao noong taon 1989-1990.
Si Evasco ay namuno sa economic enterprise office bago siya na-appoint bilang chief of staff ni Pangulong Duterte noong mayor pa.
Patuloy pa rin naglilingkod si Jun Evasco bilang serbisyo publiko na ang tanging hangad ay makatulong sa Duterte Administration para sa ikakaunlad ng bansang Filipinas.
***
Si Ferdinand Galido naman ay isa sa tumutulong kay Presidente behind the scene at talagang serbisyo publiko. Kahit hindi alam ng Pangulo ay nagtatrabaho siya, tagasalag ng mga kritiko at mahal niya ang bayan. Isa siya sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte.
***
Si Dino Galido ay tubong-Davao. Isa rin public servant na miyembro ng PDP Laban at leader convenor ng Duterte Team Federalism Bagong Pilipinas 2016. He is a member of parallel group of the national coordinating body of Duterte’s campaign team for president under the supervision of Mayor Jun Evasco and executive assistant Bong Go.
Mabigat ang responsibilidad na ginagampanan ni Dino Galido para sa pagseserbisyo sa bayan dahil sa magandang pamamalakad ni Pangulong Duterte sa bayan kaya they call them a dedicated public servant and pride of Davao.
God Bless us all!
***
Kung pag-uusapan ang serbisyo publiko, isa rin naghahangad ng katahimikan para sa bayan ay si NBI Director Dante Gierran.
Hindi nagkamali si Pangulong Duterte sa pagkakatalaga sa kanya sa NBI dahil siya at matalino, matapang, masipag at walang kinikilingan.
Buo ang loob niyang harapin ang kanyang sinumpaang tungkulin upang maging maayos ang takbo ng kanyang nasasakupan.
Kaya dapat mag-ingat at magtago-tago na ang mga kriminal dahil ‘di kayo tatantanan ni director Gierran.
Subok na siya sa pagseserbisyo publiko simula noon dahil siya ay nagsimula sa mababa hanggang marating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon bilang pinakamataas ng posisyon ng NBI.
Siya ay galing sa NBI Region XI, Davao bilang Director I at nag-aral siya sa University of Mindanao, Rizal Memorial Colleges, Int’l Harvardian University, Davao City.
Natapos niya ang Bachelor of Laws (LLB) and BSC, Law, Accounting, Banking bago siya naging Law enforcer. Ang kanyang activities at societies ay law enforcement, teaching, consultancy, member of IBP, PICPA, LEX TALIONIS, Couples for Christ, Marriage Encounter, Cursillo, NBI-IMBAI.
Kaya naman talagang maasahan siya sa lahat ng oras.
Mabuhay kayo sa NBI!
PAREHAS – Jimmy Salgado