Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apo ni Pia Magalona, napagkamalang bunsong anak

ALIW ang kuwentong nakarating sa amin kahapon na dumalo si Pia Magalona sa KAB investiture program sa Xavier School sa Greenhills kasama ang pitong taong gulang na lalaki.

Nagkaroon ng kaunting malisya ang aming source na baka nag-asawa si Pia nang hindi nito ipinaalam at nagkaanak nga.

Naisip din namin na imposibleng nag-asawa o nanganak ulit si Pia dahil medyo may edad na siya para magbuntis at paano naman niya maitatago kung sakali, eh, lagi siyang visible bilang manager ng mga anak.

Iyon pala, apo ni Pia ang batang lalaki na kasama niya sa KAB Investiture kahapon at anak daw ni Unna na first born child niya bago sila ikinasal ng namayapang si Francis Magalona, sabi ng aming source.

Baka raw hindi nakitang kasama ni Pia si Unna o baka wala siya sa event kaya ang una ang kasama ng bagets sa nasabing event.

At least naklaro kaagad na apo ni Pia ang bagets at hindi bunsong kapatid nina Elmo, Maxene at iba pang anak.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …