Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chemistry nina Angelica at Paulo, masusubok sa Unmarried Wife

MAY nagtanong sa amin kung shelved na ang movie project nina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban na Unmarried Wife mula sa Star Cinema na ididirehe ni Maryo J. delos Reyes dahil hanggang ngayon ay walang balita.

Kung hindi pa namin sinilip ang online website ng Star Cinema ay hindi namin malalaman na may pelikula nga sina Dong at Angelica at makakasama sina Paulo Avelino, Dimples Romana, Marina Benipayo, at Irma Adlawan na idinagdag sa cast.

Kuwento naman sa amin ng taga-ABS-CBN, kasalukuyang nagso-shooting ng ibang eksena na hindi kasama si Dingdong dahil kasalukuyang nasa ibang bansa ang actor kasama ang mag-ina niyang sina Marian Rivera at Baby Zia.

“Inuuna na lang muna ‘yung scenes na wala si Dong kasi sinabi naman niya na may prior commitment siya abroad noong nag-meeting sila ng Star Cinema,” sabi sa amin.

Pero si Angelica ay waiting lang naman daw sa availability ng aktor dahil as of now ay ang Banana Sundae lang ang pinagkaka-abalahan ng aktres.

Ikalawang movie project na nina Dingdong at Angelica ang Unmarried Wife at this time, sa aktres naka-focus ang title kompara noong kasama nila si Angel Locsin na may titulong One More Try (2012) kasama rin si Zanjoe Marudo na idinirehe naman ni Ruel S. Bayani.

At si Paulo marahil ang ka-love triangle rito nina Dingdong at Angelica? Bagay ba sina Pau at Angel?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …