Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

1:43, disbanded na nga ba? Yuki, pasok sa Pinoy BoyBand Superstar

ANG dating miyembro ng boyband na 1:43 na si Yuki Sakamoto ay isa sa nag-audition sa Pinoy BoyBand Superstar na umere noong Linggo sa ABS-CBN.

Nakuha ni Yuki ang charm ng mga kababaihan kaya binigyan siya ng mataas na score na 96% at maging si Vice Ganda ay nagustuhan ang binata dahil maganda ang mukha.

Tinanong ni Vice kung bakit sumali si Yuki AT kung disbanded na ang 1:43 dahil nga sumali siya sa PBBS at sabi ng binata ay wala na nga ang grupo dahil iba na ang focus ngayon ng manager nila na mas gustong mag-produce ng pelikula.

Pagkatapos ng programa ay nag-message kami sa manager ng 1:43 na si Chris Cahilig para alamin kung bakit disbanded na ang grupo gayung magkakasama pa sila sa advance screening ng Echorsis na may cameo role pa nga sila.

Hindi kami sinagot ni Chris kaya ang taong malapit sa kanya ang kinulit namin.

Ang buong kuwento sa amin ng taong malapit sa manager ng 1:43, “Actually, nakagugulat po kasi hindi naman ganoon ang nangyari. Nagtampo si Chris sa 1:43 kasi noong ipinalabas ‘yung ‘Echorsis’, sabi niya sa miyembro, sina Yuki, Anjo (Resurreccion), Gold (Aquino), at Ronald (Golding) na tulungan siya sa movie na yayain ang fans nila na panoorin ito para hindi naman mag-first/last day sa sinehan.

“Kilala kasi ni Chris ang fans ng 1:43 na kapag niyaya sila ng grupo, dino-double check ng fans kay Chris kung totoo at kung saan ang venue, etc.

“Eh, wala pong tawag ang fans, sa madaling salita, hindi sila niyaya ng group, hindi tinulungan ng grupo si Chris to promote the movie sana para hindi mawala sa sinehan.

“Kaya kinausap po ni Chris ‘yung apat (Yuki, Anjo, Gold, Ronald) na bakit daw ganoon at nagkainitan po sila at sinabi nga ni Chris na ngayon lang daw siya humingi ng tulong hindi man lang siya tinulungan.

“For six years po, tinulungan ni Chris ang grupo para makilala, lahat ng gastos ng grupo, sagot ni Chris, at kung may raket po ang grupo at hindi naman kalakihan ang bayad, hindi na po kumukuha si Chris kasi tulong na lang niya.

“Kaya nagtampo po siya na after six years niyang gastusan ang 1:43, wala man lang ginawa para sa first movie produced ni Chris.

“Actually, kasama nga po ang 1:43 sa movie, may music video sila para may exposure.

“Ang pagkakaalam ko kasi, gusto ni Chris na mag-cross over na ang 1:43 boys as an actor para hindi lang pagkanta ang alam nilang gawin.

“Kaya rin po nag-produce ng movie si Chris para may exposure rin ang grupo, eh, it turned out na hindi ganoon ang nangyari. Kaya sa galit ni Chris, sabi niya, magkanya-kanya na sila dahil ayaw na niya.

“Actually, sina Anjo, Gold, at Ronald nag-sorry na kay Chris kaya in speaking terms sila at okay na.

“Si Yuki lang po ‘yung hindi nakikipag-usap kay Chris, hindi siya nagso-sorry pa or whatever. Sa madaling salita, siya ‘yung may something kay Chris.”

Balik-tanong namin sa kausap namin na tama naman ang sinabi ni Yuki kina Vice na pelikula na ang ipo-prodyus ng manager nila.

Mabilis na sagot sa amin, “hindi po, magpo-produce pa rin, nagalit lang siya sa 1:43 kaya sinabi niyang magkanya-kanya na sila.

“In fact may binubuong grupo nga ulit si Chris at boyband din, kasi ‘yung 1:43, medyo may edad na at busy din sa day job nila, except for Yuki. Parang wala yata siyang day job or business. Not sure po.”

At ang next movie project ni Chris na malapit nang ipalabas ay ang launching movie ni Kakai Bautista.

Dagdag pa, “In between po, magpo-produce rin ng album ulit si Chris para sa bago niyang boyband, wala pang name, eh.”

Bukas ang pahinang ito para kay Yuki.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …