Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaking pagbabago sa NBI

TALAGANG maganda ang pamamalakad ni Director Atty. Dante Gieraan sa National Bureau of Investigation (NBI).

Lagi niyang inuuna ang kapakanan ng kanyang mga tauhan bago ang sarili niya.

Siya ngayon ay itinuturing na asset ng administrasyong Duterte.

Matagumpay ang kanilang mga operasyon laban sa kriminalidad at mga salot sa lipunan.

Base sa kautusan ni Pangulong Duterte na lipulin lahat ang masasamang loob sa bansa upang lalo pang maprotektahan ang taongbayan.

Sana lahat ng namumuno sa ibang ahensiya ng gobyerno ay kagaya ni Director Gierran upang maging maayos ang pagbabago sa bansa at makamit ang minimithing katahimikan ni Pangulong Digong.

***

Dapat bantayan ng customs at  paimbestigahan ang sinasabing matagal na kurakutan sa Run Against the Smugglers (RATS). Nandiyan daw ang  baldogan at tinatakot ang mga negosyante para ma-meet ang target ng mga bulsa nila.

Diyan din sa RCMG ay i-monitor ang ilang tulisan na abogado at itapon sa Mindanao kung mapatunayan na may kalokohan sila.

Lagyan ng CCTV ang mismong kuwarto ng hepe ng BOC Law division para maiwasan ang hokus-pokus.

‘Yan ang patok na tip natin kay BOC Comm. Nick Faeldon.

***

Commissioner Faeldon, paimbestigahan mo ang isang opisyal na kumita ng 2 Vios at malaking pera noong panahon ni Commissioner John Sevilla.

Pakitanong na lang si Dimpha Lejos!

***

Lumalakas lalo ang smuggling ni JAY-AR TOLENTINO sa pier kaya milyones kung pumusta sa mga sabungan.

Balitang 15 units ang kanyang luxury cars.

Ang kapatid niya na si TISOY ang naka-front sa customs kasabwat ang isang alias OR-LEE na dinaraanan ng entry nito.

Pawang underweight declaration ang kanyang steel imports.

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …