Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, dumalo pa rin sa premiere night kahit may spotting na

SUPPORTIVE ‘ate and kuya’ talaga sina Toni Gonzaga-Soriano at asawa nitong si Direk Paul Soriano kay Alex Gonzaga dahil maski na isa sa mga araw na ito ay manganganak na ang una ay dumalo pa rin siya sa premiere night ng My Rebound Girl na ipinalabas na kahapon (Miyerkoles) produced ng Regal Entertainment na idinirehe naman ni Emman dela Cruz.

Sa tanong namin kay Toni kung kailan siya manganganak ay sinagot kami ng, “anytime this week.”

Sabi namin na maski na manganganak na siya ay pumunta siya sa premiere night ng pelikula ng kapatid, “siyempre support ako, first movie niya (Alex) ‘to. Kaya after nito (pelikula), tatakbo na ako ng hospital,” nakangiting sabi ng proud ate ni Alex.

Balik-tanong namin kay Toni kung anong pangalan ng baby boy nila ni direk Paul, “wala pa, at saka na, baka Bono (pangalan ng daddy ng TV host/actress).”

Kuwento naman ng mommy Pinty Gonzaga nina Toni at Alex na sa St. Lukes Global daw manganganak ang panganay niya anumang oras ngayong linggo.

“Sabi ng doktor niya (Toni), baka Friday na (bukas), may spotting na nga, eh,” pahayag ng proud lola.

Humirit ulit kami ng tanong kay mommy Pinty kung ano ang pangalan ng first apo nila baka sakaling madulas, “naku, sila (Paul at Toni), na lang mag-announce, sa kanila ‘yun, eh, baka Paul Jr.?”

Mabuti at pinayagan ni mommy Pinty si Alex na halikan siya sa My Rebound Girl ng leading man nitong si Joseph Marco.

“Eh, matanda na siya, 28 na, bahala siya. At saka hindi ko alam na mayroon, ngayon ko lang napanood,” sagot kaagad ng ina ng aktres.

At pinagmamasdan namin ang pamilya Gonzaga at Soriano habang nanonood sila ng pelikula na natatawa naman sila sa mga eksena.

Pressured nga lang kay Alex dahil dalawang filmmaker ang nasa audience noong sandaling iyon, sina direk Paul at daddy nitong si direk Jeric Soriano.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …