Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, namroroblema, pagdalo sa Tokyo Int’l. Filmfest ‘di pa sure

BAGAMAT tuwang-tuwa si Paolo Ballesteros sa pagkakapili ng pelikula niyang Die Beautiful bilang isa sa limang kalahok sa Tokyo International Film Festival na magsisimula sa Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3, 2016 na idinirehe ni Jun Lana at produced naman ng Asian Future Film ay namroroblema naman siya dahil malabo siyang makadalo.

Narinig naming tsika baka raw hindi payagan si Paolo ng Eat Bulaga na mawala siya ng ilang araw dahil nga kababalik lang niya sa nasabing programa.

Matatandaang anim na buwang suspendido si Paolo sa Eat Bulaga dahil sa insidenteng nag-post siya sa social media na hindi niya nagustuhan ang trato sa kanya ng event organizer sa isang show.

At ngayong nakabalik na siya at ilang araw palang ay heto at plano niyang magpaalam para dumalo nga sa nasabing film festival na first time ni Paolo na ma-experience ang ganitong pagtitipon at siyempre, makalakad sa red carpet.

Sa October 24 ang alis ng grupo ng Die Beautiful at hoping si Paolo na makasama siya.

Kasama rin daw kasi si Paolo sa pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 kaya baka isa rin ito sa dahilan kaya hindi rin siya makaalis.

If ever manalo si Paolo na dinig namin ay malaki ang tsansa ay si IC Mendoza ang tatanggap ng tropeo in his behalf kasama sina direk Lana at iba pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …