Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, confident kaya ‘di issue ang pagganap na gay

TAWA kami ng tawa sa trailer ng Third Party movie nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Sam Milby dahil ang aktres pala ang nakakagulo sa relasyon ng dalawang aktor.

‘Pag ganitong tema kasi ay ang lalaki madalas na third party katulad ng pelikulangBridget Jones Baby ni Renee Zellweger.

Pero sabi sa mga nabasa naming komento ay ibang klase raw gumawa ng pelikula si direk Jason Paul Laxamana, kakaiba raw ang mga konsepto nito at hindi magkaka-pareho tulad ng Love Is Blind na produced ng Regal Entertainment.

Anyway, tawang-tawa kami kay Sam noong ipakilala niya si Zanjoe kay Angel ng “my boyfriend’ dahil ang ganda ng reaksiyon ng dalaga na parang nabingi o binagsakan ng langit at lupa sa narinig.

At sa sinabi ni Angel na, ‘so you’re the boyfriend’  na sinagot naman ni Zanjoe na naalangan, ‘you’re the ex?’

In fairness, pawang positive ang mga komentong nabasa namin sa thread ng Star Chnema at another blockbuster daw ito ‘pag ipinalabas na, agree naman kami.

Samantala, may mga nagtanong sa amin kung bakit daw tinanggap ni Sam ang papel na gay o may boyfriend dahil baka raw maungkat ang gender issue sa kanya noon.

Sagot namin na confident si Sam sa kanyang gender kaya wala siyang pakialam kung may isyu sa kanyang ganoon at napatunayang hindi naman totoo.

Naniniwala naman kami na ang mga lalaking walang itinatago sa katawan ay willing gumanap na gay.

Bakit si John Lloyd Cruz na gumanap na transgender sa Ang Babaeng Humayo na nagdamit babae pa ay walang agam-agam kasi nga alam naman ng lahat at sa sarili niya na tunay siyang lalaki.

Lalayo pa ba tayo sa pelikulang That Thing Called Tanga Na, di ba’t puro lalaki ang mga bida na naging bading tulad nina Billy Crawford, Martin Escudero, Kean Ciprianoat iba pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …