HUMILING ng clearance para sa emergency landing ang isang eroplanong A340 ng Philippine Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa usok na nagmula sa cabin nito.
Dakong 9:30 am nang lumipad ang PR Flight 422 patungong Haneda, Japan nang biglang umusok ang cabin ng eroplano.
Nakalapag ito sa NAIA makaraan ang 20 minuto. Sinabing ligtas ang naging paglapag nito.
Ayon sa pamunuan ng PAL, ang paglapag ng eroplano ay dahil sa ‘technical concern’ at siniguro nilang sasailalim ito sa “operational assessment” upang matukoy kung ano ang naging problemang teknikal.
( GLORIA GALUNO )