Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaki ang tiwala ng sambayanan kay Digong Duterte

IPAGDASAL natin na maipatupad ang reporma ni Pangulong Digong Duterte.

He is doing everything for the good of this country. Kakaiba siya at kaaya-aya at ‘di marunong mambola dahil siya’y totoong tao.

Kahit sino ay sasagutin n’ya basta’t nasa tama s’ya.

Nakita n’yo naman, majority ng senate at congress ay naniniwala sa kanyang leadership.

Hindi ako naniniwala na may kinalaman siya sa pagkakatanggal bilang chairman ng senate committee on justice ni Sen. De Lima.

Nakita ninyo kapag may nakikialam sa anti-illegal drugs campaign talagang nagagalit siya kasi ayaw niyang maging zombie ang bayan natin. Kaya naniniwala ako sa anim na taon niyang panunungkulan ay marami na ang mababago sa bansa natin.

***

Dapat paimbestigahan ni Pangulo ang mga nagkamal ng malaking pera diyan sa Bureau of Customs.

Si Lejos ng DBM. Si Bert Lina at lahat ng former official ng customs. ‘Yung kumita ng P70m gaya ng kontrata sa CCTV.

Grabe ang kinitang pera sa project na ‘yan!

***

Sa NBI ay patuloy na nagpipresinta sa media ng huli ng illegal drugs pusher. Maganda ang pamumuno ni Atty. Dante Gierran sa NBI-Anti-illegal drugs unit.

***

Comm. Nick Faeldon, para tumaas ang revenue collection ng customs ay payagan pumasok ang mga kargamento at pagbayarin ng buwis.

Hulihin at kompiskahin ang mga ilegal na droga, baril at may IPR violation.

Ituring mong kapamilya ang mga customs employee/officials at tiyak tutulungan ka nila sa inyong collection.

***

Sa Customs, may ibang abogado diyan ay naka-tsinelas lang nang pumasok sa bureau pero ngayon pati susi ng kotse ay kulay gold na.

***

Grabe raw sa Customs ngayon, binibira ko sila kung may nakikita akong mali pero ngayon ay nagulat ako minsan napadaan ako riyan sa pier para mag-imbestiga sa isang report sa akin.

Aba’y parang may trauma ang mga taga-customs ngayon. Dati nakikipagkwentohan sila sa atin pero ngayon titingnan lang kayo at ayaw magsalita.

Nagkaroon na sila ng takot dahil nilabag na raw pati privacy nila sa customs. I pity them, daig pa raw nila ang nakakulong na preso.

Magdasal na lang kayo sa nangyayari ngayon sa BOC.

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …