Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristeta, leading lady ni Vic sa Enteng Kabisote 10

KAILAN nga ba magsisimulang mag-taping si Kris Aquino ng bago niyang programa sa GMA 7?

Nakatsikahan namin ang non-showbiz friend namin at tinanong kami kung bakit na-cancel ang taping ng TV host noong nakaraang linggo.

At kuwento sa amin, “talk show ang gagawin ni Kris sa GMA, pre-programming ng ‘Eat Bulaga’, kasi Mr. T (Tuviera) naman has the option kung before or after ‘Eat Bulaga’.  But I think, it’s before ‘EB’.”

“Ang makakatapat daw, “yung show yata nina Erich (Gonzales) at Daniel (Matsunaga), ‘Be My Lady’ ba ‘yun?”

Sa madaling salita, hindi makakatapat ni Kris ang dating time slot ng programa niyangKris TV na kinuha na ng Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, atJolina Magdangal.

Sabi pa, “dapat magsimula ng mag-taping si Kris kasi hanggang December na lang ang kontrata ng APT (Entertainment) sa GMA, so paano ‘yun, one season lang ang talk show niya?”

Siguradong ire-renew naman daw ng GMA ang kontrata ng APT Entertainment.

Binanggit din ng aming non-showbiz friend na si Kris daw ang  leading lady ni Vic Sotto sa pelikulang entry nito sa Metro Manila Film Festival na may titulong Enteng Kabisote 10 mula sa MZET Films, Octoarts Films, at APT Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …