Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boy Abunda
Boy Abunda

Sa 1st anniversary ng TWBA: Kuya Boy mamimigay ng awards

ISANG taon na pala ang Tonight with Boy Abunda at may isang linggong selebrasyon na magaganap sa programa simula sa Lunes, Setyembre 26.

Nakita namin si kuya Boy Abunda noong Huwebes ng gabi sa ELJ Building at tinanong namin kung ano ang mangyayari sa first anniversary ng TWBA pero kaagad kaming itinuro sa executive producer ng show na si Ms. Nancy Yabut na mas may alam.

Sabi ni Nancy sa amin, “actually Reggee may mga gusto kaming i-guest kaso hindi pa namin masabi kasi hindi pa napapa-oo kaya hindi pa namin puwedeng sabihin kasi baka mapahiya kami.

“Ang sure ay mamimigay kami ng awards, si Tito Boy, sagot niya ang trophies for Best Fast Talk, Most Kilig, Most Revelation, Hottest Newsmaker.”

Tinanong namin kung sino ang dream guest ng Tonight with Boy Abunda, “eh, marami naman, sina Brad Pitt, Angelina Jolie, Edward Pattinson, Kirsten Stewart, marami pa eh,” birong sabi sa amin ng producer ng show.

Seryosong sabi ni Nancy, “actually, gusto namin sana si President (Rodrigo) Duterte, kaso kulang naman ang 15 minutes ‘di ba, bitin. Pero sana nga, kaso sa sobrang busy niyon.”

Inalam namin kung sino-sino sa mga naging guest ng Tonight with Boy Abunda ang talagang tumaas ang ratings nila.

“Marami naman, siyempre kapag loveteams like KathNiel (Daniel Padilla/ Kathryn Bernardo), LizQuen (Liza Soberano/Enrique Gil), JaDine (James Reid/Nadine Lustre), ElNella (Elmo Magalona/Janella Salvador), Hashtags, lahat ng may fan base, malakas kasi siyempre inaabangan nila. Recently si Rita Gabiola, si Badjao Girl (PBB), mataas ang ratings namin,” kuwento sa amin.

Tinanong namin sino sa miyembro ng Hashtags ang sikat at tumaas ang ratings ng programa ni kuya Boy.

“Sina Mccoy (de Leon) at Ronnie Alonte.”

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …