Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Albie at Gng. Casiño, labis-labis ang kasiyahan (Sa paglabas ng katotohanang ‘di ang actor ang ama)

KASALUKUYANG nasa Singapore si Jake Ejercito ayon sa katotong Jobert Sucaldito kaya hindi pa nakukunan ng reaksiyon tungkol sa pinaputok ni Max Eigenmann na half-sister ni Andi Eigenmann na siya ang tunay na ama ni Ellie at hindi si Albie Casiño.

Sa nasabing bansa kasi nag-aaral ang ex-boyfriend ni Andi at nang i-check din namin ang social media ng binata ay noong Setyembre 21 pa ang huling post niya.

Nangako naman ang katotong Jobert na kapag may nakuha na siyang update kay Jake ay kaagad kaming sasabihan.

PASALAMAT SA MGA ‘DI NANG-IWAN AT NANIWALA

Samantala, ilang oras lang ang nakalipas noong Biyernes ay nag-post na si Albie sa Instagram account niya ng ‘Thank You.’

As of this writing ay almost 4,000 na ang nag-like at close to 400 naman ang mga nagkomento na pawang positibo.

Isa sa nagustuhan naming post sa follower ni Albie ay iyong kay @siharmond,”For a long time I hated you, and you were the one who took all the hate sorry.  At may nakalagay pang, ‘walang lihim na hindi nabubunyag.’

Oo tama lang na humingi ng dispensa ang lahat ng taong nagalit kay Albie ng mga panahong itinanggi niya si Ellie dahil bakit nga naman niya aakuin ang hindi kanya?

Pero tiniis lahat ni Albie ang mga masasamang salitang natanggap niya sa loob ng limang taon at heto, vindicated ang aktor.

Sa eksklusibong panayam naman ni Arniel Serato ng PEP sa ina ng aktor na si Gng. Anna Kathrina ‘Rina’ Casiño ay labis-labis daw ang kasiyahan nilang pamilya na lumabas na ang katotohanan.

Kasalukuyang may dubbing daw si Albie nang kausap ni Arniel si Gng. Casino kaya siya na lang ang nagparating sa anak ng mga tanong ng katoto.

”I feel relieved (nang marinig ang balita),” sabi raw ng aktor.

PAG-AARAL KAPALIT NG LIMELIGHT

Sa mga nangyari ay nawala sa limelight si Albie at may panghihinayang ba sa kanya?

Sagot ng aktor, ”Hindi naman, kasi it gave way to my schooling, which is a priority.”

Sa pag-aaral itinuon ni Albie ang lahat at tanda namin nang dumalaw kami sa taping ng Confession of A Torpe ng TV5 ay isa siya sa cast at masaya siya noon dahil back-to-school nga raw siya at may project naman on the side.

Nagtuloy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni Albie nang kunin siya sa seryengOn Wings of Love bilang si Jigs na talagang nagmarka ang papel niya bilang ka-love triangle ng JaDine.

At heto, kasama si Albie sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin bilang anak ni Maria Isabel Lopez na napatay dahil sangkot sa droga.

Tanging nasabi ni Albie, ”I would like to thank everyone who stood by me at naniwala sa akin.”

Dagdag naman ni Gng. Casino ay, ”truly an answered prayer for us, we thank everyone who believed in us and stood with us through all these years. A big shout out to the Albienatics! ‘Am just really happy, thank you Lord!”

ANDI, TIKOM PA ANG BIBIG

Sa kabilang banda ang babaeng kontrobersiyal ngayon na si Andi ay tikom ang bibig at wala rin kaming nabasang bagong post niya sa social media account niya.

Ang dinig namin ay abala raw ang aktres sa taping ng The Greatest Love noong pumutok ang balita.

Ayon sa taga-TGL, parang wala pang alam si Andi dahil, ”okay naman, taping sila.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …