May kasunod na bang project ang Ang Babaeng Humayo at plano bang gumawa rin ng mainstream o commercial movie ang isang Charo Santos-Concio o nakatali siya sa indie film?
“I guess yes, if the materials is good at saka maganda naman ‘yung character why not. Love ko rin ‘yan, malay mo may kilig movie (tawanan ang lahat ng nasa Dolphy Theater). Malay mo sa edad kong ito,” napangiting sabi nito.
Mahirap bang alukin ang isang Charo Santos-Concio para gumawa ulit ng pelikula? Kailangan ba laging sina direk Lav Diaz at Mike de Leon ang direktor?
“Hindi, ang tinitingnan ko talaga ‘yung material. Sabi ko nga, open ako sa isang kilig, ha, ha, ha. Sana mapansin na ako ng Star Cinema, siguro naman papansinin na nila ako ngayon,” natawang banggit nito.
At sa tanong kung sino ang gusto niyang katambal, “naku, alam n’yo na ang sagot ko riyan, eh. Si Piolo (Pascual). Marami naman sila, pero (nagpa-cute at kinilig), sabi ko sa ‘yo, eh, sa edad kong ito, puwede pa magpakilig,” tumawa uling sagot ng aktres.
Sa tanong namin kung may business manager si ma’am Charo para sa negosasyon nito sa project o kung wala ay may plano siya.
“I consulted Mr. M (Johnny Manahan), Ms Mariolle (Alberto), you know I gave them the courtesy after all, I spent 28 years in ABS-CBN and Star Magic is a talent management division of ABS-CBN, so I gave them the courtesy. Honorary member ako,” nakangiting sagot ni ma’am Charo.
Sa madaling salita, Star Magic talent ang dating Presidente at CEO ng ABS-CBN.
***
Dating boss ni Cinema One Originals head, Ronald Arguelles si ma’am Charo, mahirap ba siyang katrabaho.
Kuwento ni Ronald, “she was my former teacher sa UP (University of the Philippines),” say ni Ronald na dinugtungan naman ni ma’am Charo ng, “he was my student.”
Dagdag pa, “film management course sa mass com, napakadaling ka-trabaho. During the dinner (appreciation) ng ‘Hele (Sa Hiwaga ng Hapis)’, sabi ko, ‘mayroon kaming napag-usapan ni Lav, bagay sa ‘yo (Charo)’, sabi niya, ‘o sige, kausapin ko si Lav’, from there mabilis na (negosasyon) lahat. Napakadali.”
Mabilis daw talaga ang mga pangyayari dahil March 7 nagkausap sina direk Lav at ma’am Charo at nagsimulang gumiling ang kamera sa buwan ng Mayo.
Nabanggit din ng ibang co-stars ni ma’am Charo na sina Cacai Bautista at Mae Paner na kilala bilang si Juana change na hindi nila naramdamang dating Presidente ng ABS-CBN ang kasama nila sa pelikula.
Esplika naman ng dating top executive, “you always have to play your part, ‘di ba, eh, kung talent ka, ‘di talent ka, kung namumuno ka, iba rin naman ang expectations sa ‘yo, hmm, mahirap ba ‘yun?”
Napansin din ni ma’am Charo na parang nakukulangan siya sa pag-arte niya kasi wala siyang naririnig na feedback mula kay direk Lav kaya mga kasamahan niya sa set ang tinatanong niya.
“Eh, kasi you’re not getting any feedback from your director, iga-ganoon ka lang niya (tapik), kaya ‘ha, ano kaya ‘yun, good, okay, happy or puwede na? Tao ka lang, eh. You’re looking for affirmation. Eh, si direk Lav, sasabihin lang niya, ‘rock en roll, wasak!’ Isip ko, ano kayang ibig sabihin niyon? Kaya naghahanap ako ng affirmation kasi before I get bash,” pangangatwiran nito sa presscon.
FACT SHEET – Reggee Bonoan