Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Salamat po

UNA sa lahat ay salamat sa Diyos at sa lahat ng mga naniniwala at sumusuporta sa akin. Nitong nagdaang Martes, ika-20 ng Septiyembre, ay malualhati po akong naordinahan bilang isang Misyoneryong Diakono ng Iglesia Catolica Filipina Independiente o Philippine Independent Catholic Church sa Katedral ng Kristong Hari sa Padre Burgos, Southern Leyte.

Malaki po ang utang ko kay Rev. Isaias Ginson ng Simbahang Episcopal na siyang nagpakilala sa akin sa PICC at kay Arsobispo Valiant Dayagbil, ang sekretaryo heneral ng simbahan na siya ring namumuno sa Diocese ng Padre Burgos. Kung hindi po dahil kay Rev. Ginson ay maaaring laiko pa rin ako hanggang sa ngayon.

Napakalaki rin ang aking pasasalamat kay PICC Obispo Supremo Armando Dela Cruz at siyempre kay Arsobispo Dayagbil at mga kasama niya sa Padre Burgos na nagtiwala na tanggapin ako sa simbahan kahit hindi naman nila talaga ako lubusang nakikilala.

Nakalulungkot na kahit malugod ang pagtanggap sa kin sa PICC ay alam kong nalumbay naman ang ilan na aking mga kaibigan mula sa Philippine Independent Church. Sana ay hindi po magbago ang ating turingan. Alam ng ilan sa inyo ang dahilan kung bakit humantong sa ganito ang aking pasya.

* * *

Ibig ko rin pasalamatan ang aking guro na si Rev. Guillermo Juan Jr., si Pareng Jerry Yap, Ricardo Panelo, si Chairman Ben Abalos Sr., Mayor Herbert Bautista, lider negosyanteng si Mike Defensor, ang negosyanteng si Resty Perez, si Kuyang Kern Sesante ng Bureau of Customs-Cebu, si Kuyang Junex Doronio, ang staff ng Beyond Deadlines, si Noreen Rosaroso, si Manang Ester, ang aking pamilya kasama na ang aking mga dogito at ang marami pang iba na nagtiwala at sumuporta sa aking paglalakbay.

Mabuhay kayo.

* * *

Ang kapalpakan ng isang piloto ay nagdulot ng malaking prehuwisyo. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …