Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gil Cuerva, isa sa pinagpipilian para maging Matteo Do ni Jen

ANG isa sa pinagpipiliang maging leading man ni Jennylyn Mercado sa Koreanovela na gagawan ng Pinoy version na My Love from the Star ay si Gil Cuerva na isang print at commercial model.

Sitsit ng aming source na isa si Gil sa nag-audition para sa role na Matteo Do sa seryeng pagbibidahan ni Jennylyn pero hindi pa siya sure kung papasa dahil tatlo raw silang pagpipilian at dadaan pa sa matinding workshop.

Si Jonas Gaffud daw ang nakadiskubre kay Gil pero hindi naman siya pinapirma ng kontrata kaya balita namin ay nasa Cornerstone Talent Management ang binata.

Kuwento pa ng aming source, ”nag-audition ‘yan si Gil kina direk Joyce (Bernal) kasi siya ang direktor ng ‘My Love from the Stars’, sa mga executive ng GMA at nandoon din si Jennylyn para makita rin naman niya ang makakasama niya.

“Maraming bumoto kay Gil, kasi guwapo naman, chinito at bagay naman sa kanya ang role kasi hindi naman need ng matinding acting, ‘di ba? Ano sa tingin n’yo bagay ba siya sa papel na Matteo Do?”

Ni-research namin kung sino si Gil Cuerva at oo nga Ateng Maricris, guwapo at Tisoy bukod pa sa malaki ang hawig kay Borgy Manotoc.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …