MAHINA at walang kakayahan para isakatuparan ang banta ng destabilisasyon laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte kaya hindi ito ikinababahala ng pamahalaan, ayon kay National Security adviser Secretary Hermogenes Esperon.
Ipinahayag ito ni Esperon kahapon sa nangu-ngunang weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila.
Imbes planong destabilisasyon, mas tinitingnan ni Esperon na ser-yosong banta sa pambansang seguridad, bukod sa terorismo at communist insurgency ang malalim na operasyon ng ilegal na droga sa bansa.
“We will come up with a report in the next few days.”
Pahayag ni Esperon nang tanungin kung sino-sino ang mga tinutukoy na nagkakaisa upang mapatalsik si Duterte mula sa kanyang puwesto bilang pinakamataas na opisyal sa bansa.
Kung mayroong banta ng kudeta sa bansa ay kakailanganin nilang ka-labanin ang 91 porsiyentong sumusuporta kay Digong, ayon sa dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Hindi kinompirma ni Esperon ang banta ng pagpapatalsik kay Duterte, ngunit sinabi niyang, “I’m not saying na wala.”
Taliwas sa sinabi ni Presidential Communications Secretary (PCO) Secreatary Martin Andanar noong Martes na sineseryoso ng Palasyo ang mga banta, hindi umano nababahala ang Malacañang, ani Esperon.
“We will come up with the report. Lalabas kami at the right time,” ulit ni Esperon.
Nauna nang ipinaha-yag ni Andanar na inci-ting to rebellion ang maaaring maging kaso ng sino mang magtatangka ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.
Nakasaad sa Section 2, Article 134 ng R.A. 6968, “The crime of rebellion or insurrection is committed by rising and taking arms against the Government for the purpose of removing from the allegiance to said Government or its laws, the territory of the Republic of the Philippines or any part thereof, of any body of land, naval or other armed forces, or depriving the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their powers or prerogatives.”
Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa pagkasangkot sa rebelyon.
Ukol sa sinasabing pangamba ng mamama-yan sa pagdeklara ng batas militar ng punong ehekutibo, sinabi ni Esperon, si Duterte mismo ang nagsabing mas prayo-ridad niya na resolbahin ang problema ng bansa, tulad ng kriminalidad, ile-gal na droga at kaguluhan sa Mindanao, kaysa manatili sa kapangyarihan bilang diktador.
Bukod sa pagsisimula ng peace talks sa Oslo, Norway at sa napipintong pakikipagkasunduan sa MILF at MNLF, nakikita ni Esperon ang pagsugpo sa talamak na illegal drug trade sa bansa bilang isang paraan upang makamit ang peace stability.
Kaugnay nito, sinabi niya na ang paghingi ng karagdagang anim na buwan ng administrasyon ay bahagi ng pagsasa-ayos ng bansa.
“We’re extending to six months, because we are targeting the 3.7 million addicts,” diin ni Esperon.
Dagdag niya, tinata-yang 3% ng populasyon ang sangkot sa ilegal na droga, mapa-tulak o user man.
nina Tracy Cabrera, Kimbee Yabut at Julyn Formaran
FEDERALISM SOLUSYON SA MINDANAO — ESPERON
“Federalism to me, is the key to the peace process in Mindanao,” pahayag ni retired AFP chief, ngayo’y national security adviser Hermogenes Esperon kahapon.
Ayon kay Esperon, hindi makakamit ang kapayapaan sa Mindanao hangga’t hindi ipinatutupad ang federalismo sa Filipinas.
Taon 1997 hanggang 2008 aniya, nang sinimulan nila ang negosasyon sa MILF pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasosolusyonan.
“We cannot accommodate their aspiration without federalism,” pahayag ni Esperon.
Diin niya, “sa ganitong paraan lamang makakamit ang kapayapaan sa Mindanao na magbibigay ng extra powers katumbas sa federal state.”
“I joined the campaign of Duterte on a common platform and that is federalism,” ani Esperon.
Kasabay din ng pag-alala sa ika-44 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, inihayag niya ang paniniwalang hindi idedeklara ng pangulong Duterte ang batas militar.
Ang pagnanais aniya ng federalismo ng Pangulo ay isang patunay na hindi nanaisin ng pangulo ang Martial Law.
( Kimberly Yabut/Joana Cruz )