Monday , December 23 2024

Bela, nalilinya sa rom-com movie

MALAKI ang pasalamat ni Bela Padilla sa aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil dito siya unang nakita ni direk Ivan Andrew Payawal para gawing bida sa indie film na I America na entry ng Idea First at Eight Films sa katatapos na Cinemalaya 2016.

Gagampanan ni Bela ang papel na Erica, isang Amerisian at nakatira sa Olongapo na nakasama niya ang mga kapwa Amerisian at tinulungan ang mga ito.

Kung ibabase sa kuwento, aakalaing heavy drama ang I America, pero hindi raw dahil comedy-drama ito.

Kuwento ni Bela nang maka-tsikahan namin sa pocket presscon ng I America noong Huwebes, “kapag napanood po ninyo, walang eksenang sobrang bigat kundi very real kung paano mag-usap ang mag-ama sa totoong buhay at magkakapatid sa totoong buhay.”

Kaagad na tinanggap ni Bela ang pelikula dahil nakikita raw niya ang sarili niya sa karakter ni Erica, “nakikita ko kasi ang sarili ko, na-excite akong i-shoot kasi gusto ko.

“At saka ‘yung mga tao sa (Olongapo) ay mababait at ito nga ang mensahe ng movie na gusto nilang malaman natin na we’re all the same. Mababait ang Amerisians, sobrang helpful sila.”

Masasabing solo na ni Bela ang I America at pressured ba ito sa kanya, “ayoko pong isipin na ganoon, ayokong bigyan ng expectation ang sarili ko kasi for me, tapos na ‘yung sa namin ng Cinemalaya, so itong commercial release feeling ko, bonus na ito because we had a good run in Cinemalaya kaya kami pinagbigyan sa commercial run. So, mas ganoon ang paniniwala ko at ayokong i-pressure ang sarili ko.

“Parang unfair na iku-compare (Camp Sawi) kasi very different ang genre and also, sobrang mainstream ang pagka-shoot namin maski na indie ang story. This one, ‘I America’ is a festival movie, so mas ‘yun ang purpose niya.”

Sa tanong kung may daring scenes si Bela sa I America, “wala po, very wholesome na kuwento.”

Pangawalang indie movie na ni Bela ang I America pero first time niyang mapasok sa Cinemalaya Festival. At ang una raw niyang ginawa ay, “two years ago po, ‘yung ‘Aso’t Pusa’t Daga’, (Bang Bang Alley) three story directed by Ely Buendia, King Palisoc and Yan Yuzon, three stories po.”

Naikuwento pa ni Bela na, “halos sabay nga ang shoot, nauna lang itong ‘I America’ ng two weeks kasi for Cinemalaya right after kong matapos mag-shoot, lumipad na ako ng Bantayan Island for ‘Camp Sawi’.”

At masaya ang aktres dahil halos lahat ng screenings ng I America sa Cinemalaya ay sold out.

“May mga tita akong hindi nakapanood kasi hapon palang sold out na, so I hope mag-translate sa commercial release kasi noong Cinemalaya, very successful ang run namin,” say ng aktres.

Ang reaksiyon ni Bela sa mga papuri sa kanya ni direk Ivan, “thank you. Nakatutuwa kasi I will believe the opinion of good people and I find direk Ivan to be a very kind and good person, I will forever cherish ‘yung sinabi niya kasi walang sense na makinig ka sa mga taong hindi naman nakatutulong sa ‘yo or nandiriyan lang like haters and bashers, walang point na makinig ka sa kanila. Pero sa mga taong ganito (direk Ivan), mababait at mabuti, mas masarap makinig ng praise from them.”

Parehong comedy ang I America at Camp Sawi kaya sabi namin sa aktres ay mukhang nalilinya siya sa comedy, “siguro po ipinapa-try lang sa akin, sana ma-explore ko pa ‘yun, feeling ko hindi ko naman forte, parang mas comfortable pa rin ako sa drama.”

Sa tanong kung for international release rin ba ang I America, “hindi ko pa po alam kasi si direk Ivan, kaka-submit palang niya sa festivals, ‘yung mga result po, makukuha palang namin in the next few months.”

At dahil blockbuster ang Camp Sawi ay may follow-up ba kaagad ang first venture nina Bela kasama ang boyfriend niyang si Neil Arce as co-producer with Viva Films?

“May dine-develop po kami with Viva right now, were gonna start shooting in November. It’s a rom-com po, love story.  Hindi ko pa po puwedeng sabihin kung sino ang leading man, but I will be working again po with Kim Molina,” kuwento ni Bela.

Mapapanood na ang I America sa Setyembre 21 mula sa direksiyon ni  Payawal produced ng Idea First Company at Eight Films distributed naman ng Viva Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *