PATOK ang The Greatest Love serye ni Sylvia Sanchez sa Amerika dahil ang daming nagtatanong kung kailan ulit dadalaw doon ang aktres.
Sabi namin baka matagalan pa dahil busy sa tapings ng The Greatest Love na siya mismo ang bida at wala nga siyang bakasyon dahil kulang ang bangko.
Hanggang sa nalaman namin sa mga kababayan nating busy sa trabaho nila na hindi raw nila naabutan ang TGL kaya bumili raw sila ng TFC box.
Sa Manhattan NYC ay libre raw ang The Filipino Channel dahil walang masyadong Filipino na nakatira kompara sa ibang lugar tulad ng Queens at Brooklyn na maraming Pinoy kaya may bayad na $24.99 monthly ang TFC subscription nila at may kasamang GMA shows.
“Kaya lang kapag hindi mo inabot ang gusto mong palabas dito sa Manhattan waley na kaya lahat ng nanonood ng teleserye, bumili ng TFC box worth $150 para mapanood nila anytime na dumating kami from work,” sabi ng kababayan nating nakabase sa NYC.
At para ma-connect ay may monthly fee silang $29.99 per month na direct dito saABS-CBN Philippines ang bayad thru their account.
Akala namin ay dito lang sa Pilipinas mayroong black box, mayroon din pala sa ibang bansa na tinawag na TFC box.
Going back sa The Greatest Love ay talagang inaabangan si Ibyang dahil pati ang ka-loveteam niyang si Rommel Padilla ay napansin dahil siya rin daw ang partner ng aktres sa Be Careful with My Heart.
“Bagay naman sina mommy Gloria at Andres (Rommel),” sabi naman ng ka-chat naming si Tita Mercy Aranjuez.
Ha, ha, parang kailan lang ay tinutukso sina Ibyang at Rommel sa showbiz dahil sila na raw ang susunod sa yapak ng loveteams tulad ng KathNiel, LizQuen, ElNella, at JaDine.
Masaya naman ang GMO unit sa itinalang rating ng pilot ng The Greatest Love na ayon sa Kantar Media ay nakakuha ng 15.7% samantalang ang Sa Piling Ni Nanay ng GMA 7 ay nagtala ng 12.3%.
Samatala, may nakausap naman kaming working moms dito sa bansa na dapat daw sa gabi ipalabas ang The Greatest Love para mapanood nila dahil kung sa IWant TV pa nila ito aabangan ay sobrang mapupuyat na sila at may pasok pa sila kinabukasan.
Ito ang pagkakaiba ng TFC Box sa ibang bansa na walang oras na hihintayin kung kailan ipalalabas dahil anytime puwede nilang mapanood.
“Oo puwedeng fast forward o rewind anytime maski saan ka,” sabi pa ni Tita Mercy.
Ginanap naman ang unang mall show ni Ibyang sa SM Molino Cavite noong Sabado at talagang mainit ang pagtanggap sa aktres at ang tawag sa kanya ay Mama Gloria.
FACT SHEET – Reggee Bonoan