Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkakaibigan ng ElNella, lumalim dahil sa Born For You

SA nalalapit na pagtatapos ng Born For You nina Janella Salvador at Elmo Magalona ay natanong sila kung ano ang mami-miss nila.

“Wala naman akong mami-miss kay Janella kasi magkakasama pa naman kami sa mga show,” sabi ng binata.

Sabay sabing, ”’yung love niya for food, kaya parating may masarap na pagkain sa set. Iba ‘yung pag-ibig niya for food.”

Kuwento ng ElNella, malalim na raw ang pagkakaibigan nila pagkalipas  ng apat na buwang pagsasama sa tapings ng BFY.

Kuwento ni Janella, ”Deeper na talaga ‘yung friendship namin, ibang level na.”

At parehong sinabi ng dalawa na gustong-gusto ng magulang nila ang bawat isa.

Ikinuwento rin ni Elmo na dumalaw daw sa bahay nila sina Janella at Jenine Desiderio kasama ang ilang kaibigan na may dalang pizza, bagay na nagustuhan ng mommy ng aktor.

Sa tanong kung walang girlfriend si Elmo ay may posibilidad ba na ma-develop siya kay Janella?

“Sa tingin ko naman, kahit sino, maa-attract sa personality ni Janella. Kasi talagang very attractive si Janella, her personality is attractive,” sagot ng binata.

Charming at very nice guy naman ang paglalarawan ni Janella kay Elmo.

”If the circumstances are right,” sagot ng aktres sa tanong kung puwedeng maging sila.

Ayon kay Elmo, ”siyempre, we all know that Janella is only 18 and siyempre, close na nga kami and alam kong focused siya sa work niya.”

At sa supporters ng ElNella, tiyak na maliligayahan kayo sa pagtatapos ng BFYdahil may live finale concert sa Kia Thea­ter sa Biyernes, Setyembre 16, 8:00 p.m..

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …