Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tagumpay ng OTWOL, lalampasan ng TIMY

Samantala, inamin ng direktor na pressured siya sa bagong serye ninaJames Reid at Nadine Lustre na Till I Met You.

“Kasi ‘di ba usually, ‘yung second project ‘yung follow-up ang mas tinitingnan kung ano. Nakaka-pressure lang kasi siyempre tapos second slot na siya (pagkatapos ng ‘Ang Probinsyano’ so ibig sabihin Mas maraming makakapanood. So, tapos coming from the success of ‘OTWOL’ (On The Wings of Love) parang may ini-expect silang standard,”pangangatwiran sa amin.

Kaya bang higitan ng TIMY ang OTWOL pagdating sa nilalaman ng kuwento at mas maraming kilig moments na mararamdaman ba ang manonood?

“Ayokong mag-expect, pero so far kasi ‘yung excitement ko sa project sa ‘Till I Met You’ parang ‘yung excitement ko rati sa ‘OTWOL’, so, I think good sign ‘yun na hindi pa rin ako napapagod gumawa ng love story kasi mapapansin ko ‘yun sa sarili ko kapag ano na lang siya, ‘work’ na lang (bread trip),” pahayag ni direk Tonette.

Nabanggit ni direk Tonet na mas mature raw ang JaDine sa TIMY kaysaOTWOL kaya ang tanong namin ay ‘paano naging mas mature, eh, mag-asawa na ang papel ng dalawa sa una nilang serye. Samantalang dito sa ikalawa ay lumalabas na magliligawan pa lang.’

“Basta, ha, ha, ha hindi ko pa puwedeng sabihin. Maski naman noong dati na mag-asawa sila, pa-tweetums pa rin naman, dito mas mabi-build ‘yung relationship talaga, hindi lang ito talaga pa-tweetums,” nakangiting sabi ni direk Tonette.

Sa ginanap na presscon ay hindi masyadong pinag-usapan ang papel niJC Santos sa presscon na gaganap siyang bading, eh, halata naman sa trailer ng TIMY.

“Kasi gusto kasi naming maging organic ‘yung kuwento. Maski kita sa trailer it was start with a friendship talaga. Gusto lang namin maging natural ‘yung development ng kuwento,” katwiran ni direk Antoinette.

At kung ang buong magagandang lugar sa San Francisco, California at Lake Tahoe ang ipinakita sa OTWOL, ang magagandang tanawin naman ng Greece ang ipakikita sa TIMY.

“Dito naman sa ‘TIMY’, Athens, Mykonos, at Santorini at saka Sampaloc, Manila, ha, ha, ha,” natawang sabi sa amin.

May babalikan pa bang eksena sa Greece katulad ng nangyari sa Sanfo?”Hindi ko alam depende po sa magiging takbo ng kuwento. Kasi ‘yung ‘On The Wings of Love’, dapat talaga silang bumalik kasi nag-full circle ‘yung kuwento nila, so tama lang na bumalik sila (JaDine). So rito (TIMY), hindi ko pa masabi kung babalik.”

As now ay maganda ang itinatalang ratings ng Till I Met You handog ngDreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina  Jadaone at Andoy Ranay.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …