Friday , November 22 2024

Coco at Onyok, most requested ng mga Pinoy sa New York

DAHIL sa balitang maganda ang ASAP in New York USA ay, “sana dalhin din ang ‘ASAP’ dito sa Chicago (Illinois), manonood talaga kami,” sabi ng aming pinsan sa nasabing bansa.

Sa Barclay Center ginanap ang ASAP Live in NYC noong Setyembre 3 (Linggo ng hapon sa Pilipinas) at balita rin namin ay may mga lumipad pang taga-London to New York para lang manood ng nasabing show ng Kapamilya stars.

Pasado 2:00 a.m. ay katsikahan namin ang mga tita at kaibigan tungkol sa ginanap na ASAP New York na ang taas pa ng energy nilang nagkukuwento na ang saya-saya at tuwang-tuwa dahil ang gaganda raw ng production numbers at “ang guguwapo at ang gaganda ng artista ng ‘ASAP’.”

Noong Pebrero ay kinukulit na kami ng mga kamag-anak at kaibigan  sa NYC at New Jersey nang malaman nilang sa Barclay Center gaganapin ang ASAP kung kailan magre-release ng tickets dahil gusto na nilang bumili kaagad.

Natawa naman ‘yung taga-ASAP na tinanungan namin dahil nga ang aga naman daw kasi Pebrero palang, eh, July pa lang daw magre-release ng tickets.

Ang daming humiyaw kay Onyok na ang cute raw na unang beses makarating sa Amerika at New York kaagad ang destinasyon huh, ang taray talaga ni bagets.

Kasama ni Onyok si Coco Martin na most requested daw ng mga Pinoy sa Amerika dahil sa top rating show na FPJ’s Ang Probinsyano.

Bait na bait din ang mga kausap namin kay Gerald Anderson na talagang lumapit pa sa audience para magpa-picture.

Ang dami pang kuwento sa amin ng tita ko, pero hindi na namin kinaya ang antok kaya hindi namin natandaan na ang iba pa, pero lahat naman ay positibo at babalikan na lang namin tungkol sa ibang kuwento.

Samantala, nagpapasalamat ang mga kababayang Pinoy sa New York sa The Filipino Channel o TFC sa pagdala ng ASAP dahil once in a lifetime raw ito.

“Bago pa ang ‘ASAP’, nakita namin ‘yung ibang artists dito sa Manhattan, naglilibot sila, para silang hindi artista, looks ordinary at mababait, laging naka-smile kapag may mga nasasalubong silang Pinoy,” sabi sa amin.

Sabi pa, “ang cute nina Daniel (Padilla) at Kathryn (Bernardo) sobrang ganda ni Liza (Soberano), ang galing ng Birit Queens, pogi n Gerald, bagay talaga sila ni Kim (Chiu), kakatuwa si Luis (Manzano).”

Binabati namin ang buong ASAP Team at TFC dahil napaligaya ninyo ang mga kababayan nating Pinoy sa NYC.

So, Chicago, Illinois naman ang next?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *