Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangulong Duterte a man with a golden heart

TALAGANG may puso si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ang daming hindi sumasangayon sa libing ni dating Pangulong Marcos sa Libingan ng Bayani ay hindi siya natitinag.

Para sa akin, wala naman masama kung doon ilibing si FM.

Dating sundalo, dating  pangulo kaya nararapat lang na ilibing na sa libingan ng bayani.

Magpatawad na kayo. God is good, God is great….

Hindi ‘yung puro politika. What will happen in this country kung puro na lang ganito, umusad na tayo.

Gusto ni Pangulong Digong ay move on na!

***

Pangulong Duterte at NBI director Atty. Dante Gierran, kung may division sa customs na dapat paimbestigahan ‘yan ang accreditation ng customs.

May ilan na nakatalaga riyan na nagkamal nang milyon-milyon. Ganito ang kanilang modus operandi, puro fictitious ang ginagamit na consignee kahit puntahan n’yo ang address ay nasa squatter area at may gumagamit pa kunwari ng kooperatiba.

Mag-apply ka ng accreditation pero may goodwill money at per container tara pa?!

May raket pa na kukunin ang folder ng bawat consignee at ipatatawag sila para sa ‘cash-yusan?’

Notoryus na tirador diyan ang isang alias abogada pati na ang kanyang bagman na noong pumasok sa bureau ay nakatsinelas lang pero ngayon puro signature ang suot na damit at sapatos.

Sila ang dapat imbestigahan ng NBI Anti-Fraud division!

***

May isang broker na handang mag-affidavit laban sa accreditation  at sa bagman nito. BOC Commission Faeldon, kailan ba babalasahin ang sindikato diyan sa accreditation?

***

Commission Faeldon, unahin dapat lagyan ng CCTV ang accreditation at RCMG dahil diyan daw maraming ‘milagrong’ nangyayari.

***

Sino naman ang mga abogado sa customs na nag-iinuman kahit office hour?

Mga ‘tirador’ sa tax credit paimbestigahan na rin!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …