Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmina, Pokwang, at Angel super fans ng JaDine

00 fact sheet reggeeANG mga kasama sa bagong seryeng Till I Met You na sina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, Angel Aquino, at Pokwang ay umaming mga JaDine fans pala dahil sa seryeng On The Wings of Love at puring-puring nila sina James Reid at Nadine Lustres dahil sobrang professional daw.

Pinigilang magsalita ni Carmina ang asawang si Zoren dahil talagang taklesa raw at baka kung ano pa ang masabi nang tanungin siya kung paano niya ikukompara ang JaDine sa ibang loveteam na nakatrabaho na niya.

Sabi nga ni Carmina, “utang na loob tatay (tawag kay Zoren), ako na lang ang sasagot ha, huwag ka na.”

Kuwento ng aktres, “noong nalaman ko na makakatrabaho ko sila (JaDine), I’m so super-excited, I’ve worked with Nadine, pero sa commercial lang, pero ‘yung silang dalawa, sobrang thrilled, sobrang thankful, at sobrang happy kasi siyempre  noong napanood ko sa ‘OTWOL’ ’di ba, super popular, super famous and yet they’re so humble.  Ang gusto ko sa kanila (JaDine) ay bumabati sila, very respectful, they’re very dedicated sa kanilang mga trabaho kahit na nakita mong inaantok na, sasabihin lang nila, ‘ate inaantok na ako, pero hindi sila nagre-reklamo at tao lang din sila.  They’re very hardworking kaya kung nasaan man sila ngayon, deserved nila. Maraming kissing scene rito, maraming pa-abs.”

Say naman ni Pokwang, “first time ko kasing makatrabaho ang isang love team, noong nakaraang show naman ay walang loveteam, loveteam na ganito.  In fact, sila (JaDine) ang excited na maka-trabaho ako,” biro ng komedyana.

“Bakit ika n’yo, tinatanggal ko ang antok nila sa set, eh. Sa umaga ang pangalan ko ‘Agnes’ sa gabi, ‘Agnas’ na, pero nagtatawanan pa rin kami sa set. Sabi nga ni Mina, tao lang din sila (JaDine) na nakikita mong pagod na, pero kapag napapatawa mo sila ay nawawala na rin ang pagod namin.”

Ang magandang sabi naman ni Angel, “noong napanood ko nga ang ‘OTWOL’, I was a big fan, gusto ko talaga silang makasama in person and I’m very happy happy talaga.

“There was a time na I saw them in an event. Starstruck ako, cute na cute kasi ako sa kanila, I find them so cute.  One without the other, well individually, they’re great people and I love them as actors, pero together talaga, iba ‘yung magic ng JaDine talaga, I don’t know why.

“But when you see them talaga in person, when they’re looking each other, wala na parang matutunaw ka na lang talaga.  At saka ang galing talaga ni direk (Tonet) magpakilig, grabe,  ‘yung mga close-ups, mga mata, wala na, you’re taken na.”

Sabagay, halos lahat ng naka-trabaho ng JaDine simula sa pinakamababang posisyon sa production ay puring-puri ang dalawa dahil marespeto sa lahat ng katrabaho at wala rin sa ulo nila ang salitang ‘sikat.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …