Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, na-hold sa airport

00 fact sheet reggee“At sa question na memorable, well may third wheel kasi, si Angel (Aquino) sa amin, ‘di ba.  Mayroon kaming pagkakataon na pumunta sa Santorini on our own schedule dahil tapos na kami sa taping kaya nag-schedule na kami roon.

“Sa airport na-hold si Angel kasi ‘yung shampoo niya hindi niya nai-pack (check-in) at hindi naman niya maiwan-iwan. So na-late na siya sa airplane at siya na lang ang hinihintay, but anyway, she was able to make it.

“Tapos pauwi na kami we were in Dubai, the bus ihahatid kami sa airplane, so noong nandoon na kami, biglang sabi niya, ‘oh ‘yung bag ko, ‘yung bag ko naiwan ko sa tram, eh, siyempre hinabol ko ‘yung tram at habang hinahabol ko ‘yung tram, pinagtatawanan ako ng mga babae kasi hindi naman nila alam kung bakit kaya noong pagkuha ko ng bag ni Angel na Louis Vuitton, ipinakita ko sa mga babae. But aside from that, she’s (Angel) fun to be with, ‘yun ang memorable ko.”

Si Carmina ay hindi kasama sa Greece scenes, pero isinama siya ni Zoren dahil nga dream din ito ng aktres na mapuntahan ang nasabing bansa bukod pa sa roon niya sinalubong ang kanyang kaarawan.

“Siguro memorable sa akin kasi nag-birthday ako sa tatlong lugar, unang-una sa stop over sa Abu Dhabi at sa airport pa lang, binigyan na ako ng cake ng staff and crew.  Sa eroplano, binigyan naman ako ng improvised cakes and cards ng mga FA at Pilot, sobrang na-overwhelmed ako kasi kinantahan pa nila ako hindi naman nila ako kakilala. Tapos pagdating ko rito (Pilipinas), sinalubong na ako ng kambal (Cassandra at Maverick). Three places ako nag-birthday.

“Tapos ‘yung kay Angel naman, ito (Zoren) naman, sobrang nakatutuwa si Angel, hindi siya istorbo, in fact very helpful siya kasi second day namin, nagkasakit si Zoren, nagkaroon siya ng stomach flu, tapos si Angel isa sa tumulong, akyat-baba siya sa Santorini para kumuha ng gamot sa botika. Kaya very thankful kami kay Angel, hindi ka (baling kay Angel), hindi sagabal.”

At nang si Angel naman ang nagkuwento, “teka muna ha, lilinawin ko lang, when we were planning this trip, alam na namin na sa Athens lang kami magso-shoot, so tanungan kami na magti-third wheel ako at mag Mykonos na lang tayo, at si Mina wanted so much to see Santorini at ako rin naman gusto, either Mykonos or Santorini.

“So two against one kami, so nanalo ang Santorini that’s why we went there, ‘yun nga lang since our (expenses) comes from our own pocket na, so nag-isang kuwarto na lang kami at may extra bed naman at doon ako. Hindi ko naman kayo maririnig kasi may earphone naman ako.  At saka most of the time, I would go out and walk, iniiwan ko talaga sila, ito naman sumakit ang tiyan at sinasabi ‘fake’ lang daw ‘yun.

“But it was really fun, I love being the two of them, funniest and sweetest couple, sabi ko nga, mai-inspire sa kanila (Zoren at Carmina) ang JaDine kasi ibang klase ang dalawang ito, they’re so cute.”

Sa tourist spots tulad ng Athens, Greece, at Mykonos ang mga lugar na nag-shoot ang Till I Met You.

Hindi pa man nagsisimula ang presscon ng nasabing serye noong Linggo sa Le Reve Events Place ay umabot na sa 1M tweets ang JaDine kilig serye.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …