Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Greatest Love sa Sept. 5 na ipalalabas

00 fact sheet reggeeSamantala, sa Setyembre 5 na mapapanood ang The Greatest Love na unang seryeng pagbibidahan ni Ibyang kaya naman araw-araw ang taping nila at ilang araw na siyang walang tulog dahil nga pinagsabay niyang gawin ang TGL at MMK

Sobrang kulit ni Ibyang noong maka-chat namin dahil kung ano-ano ang pinagsasabi at hyper talaga.

Kuwento niya, ”kasi hyper dahil pang apat na na araw wala akong tulog dahil everyday taping (‘The Greatest Love’),’di makatulog nalipasan ng tulog kaya makulit ahaahaaha.”

Hirit pa, ”two hours lang tulog ko lagi.”

Sabi namin na paano ka makatutulog, dalawang show pinagsasabay mong lagariin?

Walang alam pa si Sylvia kung anong oras ieere ang The Greatest Love dahil walang sinasabi pa sa kanya kundi ang petsang Setyembre 5 ang airing nila.

Sabi namin na Tubig at Langis daw ang papalitan ng TGL.

“Hindi ko talaga alam, maraming nagtatanong nga, wala talaga akong alam, bahala ang management kung anong timeslot kami ilalagay basta kami susunod lang,” sagot sa amin.

Tinanong namin kung kabado na ang aktres dahil ilang tulog na lang at mapapanood na ang first lead role niyang serye.

“Oo, ha, ha, ha. Noon, hindi ko nararamdaman ang kaba dahil ayaw kong ma-pressure, pero ngayong ipalalabas na, ha, ha ha ngayon ko naramdaman lahat,”sabi ni Ibyang.

Aba’y oo naman, kakabahan ka talaga isipin mo kay Ibyang nakaatang ang programa, pero matitindi naman ang mga kasama niya sa TGL tulad nina Dimples Romana, Joshua Garcia, Aaron Villaflor, Andi Eigenmann, Rommel Padilla Matt Evans at Noni Buencamino mula sa direksiyon nina Melvyn Brondial at Jeffrey Jeturian mula sa GMO unit.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …