Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino ang ipapalit kay MTRCB Chair Villareal?

00 fact sheet reggeeNAKATSIKAHAN namin si MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal sa ginanap na 77th birthday party ni Mother Lily Monteverde kamakailan sa Valencia Events.

Hanggang Setyembre 30 na lang pala ang termino ni Chairman Villareal sa MTRCB kaya tinanong kung mananatili ba siya sa puwesto dahil wala namang naririnig na papalitan siya.

“Well, we just do our work a day at a time, we’re just good servants,” nakangiting sabi ni Attorney Toto.

Lumutang ang mga pangalan nina MTRCB member at scriptwriter na si Bibeth Orteza at director Nick Lizaso na posibleng bagong chairman ng ahensiya.

“Ha, ha, ha wala akong naririnig. Basta tayo, papasok tayo sa ating trabaho, we do our best, we leave it to the one up there, ‘ika nga,” masayang sabi ni Attorney Villareal.

Pero kung hindi na mananatili sa puwesto si Chairman Toto ay, “well, lawyer naman po tayo, so but at the same, we’d rather kumbaga, a day at a time, we focus at gagawin natin ang lahat ng magagawa natin, whatever capacity naman po para sa industriya natin.”

Samantala, bukod sa MTRCB ay miyembro rin si Atty. Villareal bilang Metro Manila Film Festival committee.

“That’s actually ex-officio, there’s a Chairman Emerson Carlos showed me a presidential proclamation. There’s a certain positions there that actually ex-officio, so, whoever the NCRPO head is always a member of that committee,” pahayag pa ni Atty. Villareal.

Ano ang reaksiyon ni Atty. Toto kung si Ms Bibeth ang pumalit sa puwesto niya? “Napaka-qualified, lahat naman po ay qualified at ang importante po ay maipagtuloy kung anuman ang ating naumpisahan and maganda rin na may gravitas, ‘ika nga lahat sa industriya.”

Gusto pa rin ba ni Atty. Villareal na manatili siya sa puwesto?

“May natutuhan po ako sa pelikulang ‘Ignacio de Loyola’ na may tinatawag na indifference kumbaga, na kung saan po tayo dadalhin ay doon po, like patuloy sa pagtuturo sa law school na ginagawa ko rin po hanggang ngayon at sa iba’t ibang advocacy po, kung saan tayo dadalhin,” nakangiting sagot pa nito.

Qualified ba si direk Lizaso? “Lahat naman po ay qualified ‘ika nga, ang importante ay may pagmamahal sa industriya natin na movie, television at saka siyempre po ‘yung mga worker din po natin sa imdustry, lahat po ‘yan.”

Paano naman i-evaluate ni Atty. Toto ang sarili bilang anim na taong Chairman ng MTRCB?

“Siguro po ang maghuhusga na lang ay ang mga nasa industriya, ang ating audience. Ang masasabi lang po natin ay we tried our best para itaguyod ang matalinong panonood, kumbaga pinalalakas po lahat ang players po sa industriya, audience, networks, film producers at naging motto po natin ay empowerment po para sa lahat,” saad niya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …