Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael maghahabla, karapatan sa anak, ipaglalaban

00 fact sheet reggeeSA kabila ng pinagdaraanan ni Michael Pangilinan ay nagagawa pa rin niyang makipagbiruan at humalakhak sa harap ng entertainment press sa ginanap na presscon ng upcoming concert ni Arnel Pineda na Powerhouse (Pinoy World-Class Performers) at isa ang singer sa special guests kasama sina Morissette Amon, The 4th Impack, at Mayumi and TOMS Band na hindi nakarating dahil kasalukuyan silang nasa ibang bansa. Handog ito ng Lucky 7 Koi Productions, Inc., na kinabibilangan nina Lily Chua, Joan Alarilla, Atty. Carmelita Lozada, Carol Galope, Rosalinda Ong, Neth Mostoles, at Liza Licup. Ang mga board of directors naman ay sina Divine Arellano at Emy Domingo.

Kuwento ni Michael, three months na niyang hindi nasisilayan ang anak na si Exzequiel kaya kinailangan nitong daanin sa legal na paraan.

Kuwento ni Michael, “birthday ng mama ko po noong June 23, ang wish ng mommy ko po, sana raw makadalaw o mahiram niya ‘yung anak ko na apo niya, siyempre, tinext ko po (ex-girlfriend niya), akala ko, naka-block ako kasi hindi nag-reply, at para alam ko po na natanggap niya, nagpadala ako sa viber, sms, ni-ring ko pa, pina-send ko pa po sa stylist ko, walang reply po, wala lahat.

“Nagmakaawa na po ako na kung puwede kong hiramin ang bata, nag-text ako, for a day lang at kung hindi ko naisauli kinabukasan, ipakulong n’ya ako.

“Gusto ko lang naman po magkaroon ng 2-3 days lang na makasama ang anak ko, kahit nga 1-2 days o isang beses sa isang linggo, okay na ako roon.

“Ayaw nila (pamilya ng babae) ng maayos na usapan, eh, di roon tayo sa medyo mahirap (usapan).

“Pasensiya na po kayo kung umabot tayo sa ganito (legal). Siguro baliw na lang po ako dahil sa anak ko. Nagkaso po ako dahil may dahilan at gustong-gusto kong makita ang anak ko, sana pagbigyan n’yo ako.”

Nabanggit din sa amin na hindi raw nagkulang sa sustento si Michael sa anak dahil buwan-buwan itong nagpapadala.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …