Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JLC at Maja, imposibleng magkagustuhan

00 fact sheet reggeeNAGING viral sa social media ang mga litrato nina John Lloyd Cruz at Maja Salvador na magkasama sa isang beach sa Davao City kasama ang ilang staff nila.

Iisa ang tanong ng netizens, ‘sina Lloydie at Maja na ba?’

Oo nga pareho naman silang loveless kaya puwede rin naman kaya nagtanong kami sa taga-ABS-CBN tungkol dito.

At ang natatawang sagot sa amin, “Jusko, hindi, mag-tatay ‘yan! Tatay ang tawag ni Maja (Salvador) kay John Lloyd (Cruz).

“Ano ba, wala talaga kasi nakalakihan na ni Maja si John Lloyd na ‘kuya-‘kuya’ talaga kaya imposible talagang mangyari ang iniisip ng lahat.

“At saka iisa ang handler nila, pamilya ‘yan, wala ‘yan,”

Hirit namin sa aming kausap, ‘bakit sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, iisa rin ang handler pero nagkagustuhan din?’

“Ibang kaso naman ‘yun,” sabi kaagad sa amin.

Dagdag pa, “nakitaan ba ng malisya sina Maja at John Lloyd? At saka kung may something, hindi ‘yan ipo-post, siyempre ililhim nila.”

Samantala, may artistang ka-close ang dalawa kaya tinanong naming ang mga iyon tungkol dito.

“Sina Maja at John Lloyd? Wala, magkaibigan lang sila, may show sila sa Davao, tapos nag-bonding na. Hindi ‘yan, maniwala ka sa akin.

“’Di ba rati nagtanong ka rin tungkol naman kina Bea at John Lloyd kasi laging magkasama after ng break-up nila ni Zanjoe? O, kitam, hindi totoo.

“Si John Lloyd kasi kapag gusto niya ang babae, inaamin niya, eh, si Bea ‘di ba, ilang beses niyang sinabing magkaibigan lang sila? Walang Basha at Popoy talaga.

“O, ngayon, Maja at John Lloyd naman? Ano ito, Popoy and Trisha (role ni Maja sa ‘One More Chance’)?” balik-tanong sa amin.

Sabi pa, “wala sa plano nila ang magdyowa ngayong taon, concentrate lang daw muna sila sa work nila.”

At least maliwanag na walang relasyon sina Maja at JLC as of now, wait na lang natin Ateng Maricris, he, he, he.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …