Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maxene, walang inggit sa pagbibida ng kapatid na si Elmo (‘Di natatakot ma-typecast sa kontrabida role)

00 fact sheet reggeeSOBRANG proud ng ate ni Elmo Magalona na si Maxene Magalona dahil maganda ang feedback sa seryeng Born For You na pinagbibidahan ng kapatid niyang si Elmo at Janella Salvador na napapanood sa primetime bida pagkatapos ng Dolce Amore.

Nakatsikahan si Maxene ng ilang entertainment press sa ginanap na set visit ng seryeng Doble Kara sa Commonwealth, Quezon City noong Huwebes ng tanghali.

”I’m very, very happy for him ‘coz you know, the success of my family is something so rewarding for me, na makitang nagbu-bloom ang mga kapatid ko at si Elmo, he’s only 22 but he’s experiencing so much and sabi ko, ‘wala pa lang ‘yan,’, sabi ko sa kanya, ‘you’re gonna have so much fun’,” pahayag ng aktres tungkol sa kapatid.

Mas nauna kasi si Maxene sa ABS-CBN, pero mas unang binigyan ng bida role si Elmo kaya natanong kung walang inggitan sa kanilang magkapatid.

“Ay wala! Sa family namin, there’s no such thing,” mabilis nitong sagot.

‘Di natatakot ma-typecast sa kontrabida role

Ani pa ni Maxene na sapat na sa kanya ang papel niya sa Doble Karadahil markado sa mga nanonood bilang kontrabida siya nina Sara at Kara na pinagbibidahan naman ni Julia Montes.

Kuwento nga ni Maxene, ”hindi ko akalain na makagagawa ako ng ganitong klaseng karakter, si Alex (papel niya), sobrang complex niya, sobrang scheming, sobrang manipulative, sobra siyang selfish na talagang nakatatakot.”

Hindi naman daw natatakot na baka ma-typecast na ang aktres bilang kontrabida.

”Ay, hindi, hindi. Work for me is a blessing. I really believe what’s meant for me, ‘yun ang ibibigay sa akin. And I’m enjoying every moment of you know, playing this character, dahil sabi ko nga kanina, ibang klase si Alex, sobrang dami niyang levels,” katwiran ni Maxene.
FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …