Friday , November 15 2024

Bentahan ng botcha sa Malabon City

DAPAT nang kumilos ang city health officer sa Malabon tungkol sa kumakalat na bentahan ng botcha sa nasabing lungsod.

Sa nakalap nating impormasyon, isang nagngangalang ‘Deng’ ang sinasabing supplier ng ‘botcha’ sa Malabon na naka-base sa Barangay Concepcion.

Ang  botcha ay isang uri ng hot meat na hindi unfit  for human consumption o hindi na dapat  kinakain ng mga tao dahil ito ay ‘di na fresh at maaaring contaminated na ng bacteria.

Dahil napakamura na halos kalahati lang ang presyo kompara sa fresh meat na nabibili sa mga palengke, ang botcha ni ‘Deng’ ay mabiling-mabili raw.

Pero dapat  malaman ng mga tumatangkilik na taga-Malabon na delikado ang botcha sa kalusugan ng mga nakakakain nito.

Sa ating pagkakaalam, ang botcha, lalo na yaong ‘frozen’ meat ay karaniwang nanggagaling sa Bureau of Customs.

Ito ay mga hot meat na iniismagel mula sa ibang bansa na ang kalidad ay kuwestiyonable kaya kinokompiska.

Matapos ang ilang buwan o taon sa storage ng Bureau of Customs, ang nakompiskang kahon-kahon na botcha ay pinao-auction sa mga kompanya o sa negosyanteng gumagawa ng  feeds.

Ang  hot meat na botcha kaysa itapon ay ginagawang pagkain para sa mga alagang baboy at manok sa hog at poultry industry ng feeds manufacturer.

Ang babala natin sa mga taga-Malabon City, delikadong kumain ng botcha dahil hindi ito dumaan sa proper meat inspection mula sa National Meat Inspection Service.

Kung totoong kalat na ang bentahan ng baboy na botcha sa Malabon, ang tanong ay bakit hindi kumikilos ang local health department?

O ayan na ang info, NIMS Beata Obsioma.

Anyway, ang botcha ay hindi lamang ibinebenta sa Malabon. Kalat din ito sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila.

PAIHI SA SAN JOSE, BATANGAS

NABALITAAN natin na ni-raid ng San Jose, Batangas police sa pamumuno ng kanilang chief of police na si Chief Insp. Ferdinand Ancheta ang operasyon ng paihi sa naturang bayan kamakailan.

Sa raid, tatlo-katao kabilang ang truck driver ng JJV transport na si Raul Dizon, Edwin Diego at Dante Hidalgo ang inaresto nang sila ay maaktohang binuburiki ang laman ng tanker na may plate no. CZD-246.

Ang paihi ay isang termino na may kaugnayan sa pagpapatulo ng petroleum, gasolina at krudo. Isa itong kaso ng theft.

Sa pagkakaalam natin, ang paihi ni kapitan ay matagal na at common knowledge sa bayan ng San Jose, Batangas.

E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *