Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe on Bea & Gerald — Mas ok, mas mae-express na nila ang kanilang mararamdaman

00 fact sheet reggeeINAMIN ng aktor na si Zanjoe Marudo na noong nagsimula siya sa Tubig at Langis ay talagang hirap siya dahil kabi-break lang nila noon ni Bea Alonzo.

At pagkalipas ng ilang buwan ay heto at blooming na si Zanjoe kaya iisa ang tanong sa actor, kung naka-move on na siya?

“Hindi ko alam. Actually, hindi ko naman masasabi ‘yun, eh, na ‘uy, naka-move-on na ako’, hindi, eh. Hindi ko alam, eh. Ewan ko, baka. Kasi sinasabi n’yo nga na mukha namang okay naman ako.

”oong simulan ko ‘to, medyo hindi ako okay. Last year. Kaya nagpapasalamat ako sa kanilang lahat ng cast na nandiyan, naka-suporta lang sa akin, na alam mo ‘yun, pilit akong pinasasaya, inaaliw. Hanggang siyempre, wala na.

“Pinagdaraanan naman ‘yun, eh. So, kaya nga pinagdaraanan, ibig sabihin, nalalagpasan, dadaan lang siya.

“So, nakatutuwa na ayun, matatapos ang show namin na masaya kami lahat, positive and ang da­ming mga blessing na dumarating,” kuwento ng aktor.

Kumusta naman ang puso ngayon ni Zanjoe, ”ang estado ng puso ko ngayon, siguro, masasabi ko, masaya, masayang-masaya ako ngayon. And ayokong i-pressure ang sarili ko sa kahit anong bagay dahil sa ngayon, committed ako sa sarili ko, sa trabaho, sa family.”

At kumusta naman sila ni Bea? ”Hindi ko puwedeng sabihin na kasi, siyempre, hindi naman na kami nag-uusap, hindi na kami nagkikita, pero feeling ko, okay naman kami. ‘Pag nagkikita kami sa mga event, okay naman kami nagpapansinan naman kami. Friends, parang ganoon, normal,” kaswal na sabi ng binata.

Natanong si Zanjoe pagkatapos ng Q and A tungkol kina Bea at Gerald Andersonna nagkakamabutihan na raw.

“ Hindi ko alam, eh. Pero, mabuti, ‘di ba? Mabuti para kay Bea, mabuti para sa kanila. At least ngayon, mas open na, mas mae-express na nila ‘yung kung anumang nararamdaman nila. Kung mayroon man talaga,” pahayag ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …