Bago naman nagsimula ang presscon noong Sabado ng tanghali ay nag-table hopping muna si Direk Ruel at para isa-isang pasalamatan ang entertainment press na nakatulong nang husto sa serye nina Cristine Reyes, Isabel Daza, at Zanjoe Marudo kasama sina Jean Saburit, Efren Reyes Jr., Marco Gumabao, Nadia Montenegro, Miguel Vergara, Ingrid dela Paz, Victor Silayan, Lito Pimentel, Dionne Monsanto, Tart Carlos, Cai Cortez, Miko Raval, Archie Alemania, at iba pa mula sa direksiyon nina FM Reyes at Raymund Ocampo.
Sabi ni direk Ruel ay nakuha ng Tubig at Langis ang pinakamataas na ratings na 21.1% at ka back-to-back nito ang Doble Kara handog naman ng Dreamscape Entertainment.
Aniya, ”’yung back-to-back na ‘yun, never pa ‘yun na-achieve ng ABS ever, higher pa kami sa primetime ng GMA 7,” at nagkatawanan ang mga press na nakarinig.
“Ayaw kong magbanggit ng title o ng show, hindi lang sa Kantar Media, even in AGB (Nielsen) mataas kami sa hapon, kaya nga puwedeng i-claim dahil kung hindi debatable pa, eh.
“Ang lakas ng kalaban namin sa hapon sa kabila (GMA), ngayon lang na-achieve ‘to, eh. Hindi na-achieve ito before dahil ang lakas nila rati, ang hirap-hirap. Very formidable ‘yung kanilang line-up, ngayon lang talaga nabasag, it’s really an achievement for ABS. I can claim that because I don’t claim kung hindi facts, ‘no!”
FACT SHEET – Reggee Bonoan