Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye nina Echo at Arci, every 3 weeks nagpapalit ng title

00 fact sheet reggeeWALA pa raw final title ang serye nina Jericho Rosales at Arci Munoz ayon mismo kay direk Ruel S. Bayani dahil every three weeks daw ay nagpapalit ng titulo kaya’t lukang-luka na raw siya.

Kuwento ng TV executive, ”ay naku Diyosko, every three weeks iba title kaya sasabihin na lang namin ang title kapag final na.

“Ako ngang producer nalilito, sabi ko nga, ano ba ito, every three weeks (nagpapalit), ‘di ba pumipirma ako ng memo, (kumunot noo pagkabasa ng memo), iba na naman?”

Looking forward na raw si direk Ruel sa tambalang Echo at Arci.

“Siyempre, iba ang ibibigay ni Arci, kalaban niya sa aktingan ay si Jericho kaya nae-excite ako kasi alam naman natin na si Arci ay galing sa ‘Pasion de Amor’, so talagang magandang level-up ito sa kanya. And she’s just really amazing, walang ere hindi mayabang,” kuwento ng boss ng RSB unit.

Sa tanong namin na hindi nga rin conscious si Arci sa billing, ”unang-una hindi ko alam kung sino ang conscious sa billing at ayokong magsalita. Si Arci kasama ko sa ‘Pasion’ for almost a year, ‘di ba, tapos sunod-sunod na ang box movie niya, tapos itong with Echo.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …