Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, muling gagawa ng serye sa Dreamscape ng ABS-CBN

00 fact sheet reggeeSANDALI naming nakatsikahan si Bela Padilla pagkatapos ng Q and A presscon ng Camp Sawi na idinirehe ni Irene Villamor at Creative director naman si Binibining Joyce Bernal produced ng Viva Films at N2 Productions noong Martes ng gabi.

Sa loob ng ladies room ng Le Reve Events Place pa kami nagkuwentuhan ni Bela at tinanong namin kung ano ang project niya sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“May bago po akong soap hindi ko palang po alam kung ano ang title kaya nakatutuwa po,” kaswal na sabi ng dalaga habang nag-aayos ng damit niya.

Dagdag pa ni Bela, “under Dreamscape (Entertainment) po ulit, kaya ang saya. Hindi ko lang po alam sino ang makakasama ko kasi hindi pa sure ‘yung leading man kasi may soap daw na gagawin.”

Sa madaling salita, hindi totoong naging pasaway si Bela tulad ng mga nasulat kaya kaagad siyang tsinugi sa asksiyon serye ni Coco Martin dahil muli siyang kinuha ng Dreamscape Entertainment.

Tinanong namin si Bela kung speaking terms sila ni Maja Salvador na kaya raw umalis sa Ang Probinsyano ay dahil hindi kuntento sa role niya bilang babaeng pulis.

May lumutang pang tsika na mas maganda pa raw ang papel ni Bela dahil asawa siya ni Ador na kakambal ni Cardo at ni Arjo Atayde bilang si Joaquin Tuazon.

“Wala naman po akong alam na dahilan para hindi kami okay kasi po hindi naman kami nagkaka-eksena, magkaibang unit po kami, minsan lang ‘yung nagkasama kami, ang alam ko po, okay naman kami,” nagtatakang sabi ng dalaga.

Sa ginanap namang Q and A ng Camp Sawi ay inamin ni Bela na matagal daw siyang nakapag-move on pagdating sa pag-ibig dahil three years daw inabot bago siya naging okay.

“Sentimental po kasi akong tao kaya matagal bago ako makapag-move on. Actually, ‘yung three years na ‘yun, tuloy-tuloy ang trabaho ko, taping ako everyday kaya hindi ko siya naiisip.

“Kaya hindi rin ako naka-move on kasi hindi ko nabigyan ang sarili ko ng time na umiyak or pag-isipan dahil nagtrabaho ako ng nagtrabaho tapos nawala na lang mag-isa. Wala akong specific na ginawa masyado,” katwiran ng aktres.

Makakasama ni Bela sina Andi Eigenmann, Yassi Pressman, Kim Molina, Arci Munoz sa Camp Sawi at ka-join din sina Sam Milby at Jerald Napoles na mapapanood na sa Agosto 24 nationwide.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …